Maxene Magalona, labis na naaliw sa "pampakalma" headline ukol sa kanya
- Si Maxene Magalona ay tila naaliw sa isang headline tungkol sa kanya
- Noong Sunday, July 6, nag-post si Maxene sa kanyang Instagram ng mga photos
- Kasama rito ang isang screenshot ng nasabing headline tungkol sa aktres
- Aniya Maxene, ito raw ata ang pinaka-favorite niyang headline tungkol sa kanya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Maxene Magalona, isang kilalang aktres, ay tapat na natuwa matapos makita ang isang nakakatuwang headline tungkol sa kanya sa social media na ginamit ang salitang "pampakalma."
Noong Sunday, July 6, nag-post si Maxene sa kanyang Instagram account ng isang litrato kung saan makikitang nakaupo siya sa isang paddle board at nakangiti habang nakapikit para sa cam.

Source: Instagram
Kasunod nito, ibinahagi rin niya ang screenshot ng naturang headline na agad umagaw ng kanyang atensyon: "Maxene Magalona Pampakalma" na labis talaga niyang kinagiliwan.
Ayon sa aktres, ito na raw ata ang pinakapaborito niyang headline sa buong karera niya sa showbiz. "I woke up to a funny headline this morning. In all my years of being in the entertainment industry, this is by far my favorite tabloid headline ever," aniya Maxene sa post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataong ipahayag ang kanyang taos-pusong saloobin.
"I'm happy and grateful that I am now being used as an instrument to promote peace and calmness. This is proof that YOU control the narrative. Your past doesn't have to define you," dagdag pa niya sa kanyang post na ikina-inspire ng kanyang mga fans at followers online.
Sa dulo ng post, nag-iwan siya ng isang positibong mensahe para sa netizens: "Heal and grow into the best version of yourself everyday and do it for you — not for others. Don't worry about what people think of you and care more about how God sees you. Happy healing, beautiful soul."
Ang simpleng post na ito ni Maxene ay muling nagpapatunay kung paanong ang kanyang pagbabago at advocacy sa mental health ay nakaaabot at nakaaantig sa maraming tao.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Maxene Magalona ay isang kilalang Filipina actress, host, at mental health advocate. Siya ay anak ng batikang rapper na si Francis Magalona at Pia Arroyo. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon bilang bata sa Ang TV at 5 and Up. Sa kasalukuyan, kilala si Maxene bilang yoga at meditation teacher at isang vocal na mental health advocate. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Rob Mananquil noong 2018 sa Boracay. Subalit, noong 2022, kinumpirma niya na siya ay single na muli sa isang interview at sinabing "mutual decision" ang kanilang paghihiwalay.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinumpirma ni Maxene Magalona ang kanyang relasyon sa DJ at videographer na si Geoff Gonzalez sa pamamagitan ng isang post sa Instagram, kung saan tinawag niya ito bilang kanyang "partner." Ang kumpirmasyong ito ay kasunod ng anunsyo ni Maxene noong 2022 na siya ay single na. Sa mga update niya sa social media, makikita ang kanyang self-discovery journey.
Samantalang nagbahagi si Maxene Magalona ng isang Instagram post bilang pagpapakita ng pasasalamat sa matagal na niyang pagkakaibigan kay Alessandra De Rossi. Pinuri niya si Alessandra sa pagiging totoo sa sarili sa kabila ng pressure ng pagiging artista. Nagpahayag din si Maxene ng kanyang paghanga sa katapatan at suporta ni Alessandra, na aniya'y nagsasabi ng totoo kahit mahirap itong marinig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh