Post ni Jennica Garcia ukol sa kanyang 'single-parent journey', nagpaantig

Post ni Jennica Garcia ukol sa kanyang 'single-parent journey', nagpaantig

  • Si Jennica Garcia ay nag-viral kamakailan lang dahil sa kanyang online post
  • Ibinahagi kasi ni Jennica sa Instagram ang tungkol sa pagiging 'single-parent' niya
  • Sa nasabing post, naantig ang puso ng marami sa pasasalamat na ginawa ng aktres
  • Matatandaang noong 2021 ay kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Umani ng papuri mula sa netizens si Jennica Garcia, kilalang aktres at ina, matapos niyang ibahagi ang isang nakakaantig na post tungkol sa kanyang journey bilang isang single parent.

Noong Saturday, July 5, ibinahagi ni Jennica sa social media ang ilang screenshots ng isang PM.

Post ni Jennica Garcia ukol sa kanyang 'single-parent journey', nagpaantig
Post ni Jennica Garcia ukol sa kanyang 'single-parent journey', nagpaantig (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Sa mga larawan, makikitang hindi nasagot ni Jennica ang video call ng kanyang mga anak habang nasa set siya ng taping at nagtatrabaho nang maayos para sa kanyang pamilya.

Nagpaumanhin si Jennica sa mensaheng ito: "I am very sorry I missed your call, anak ko. I was on the set, doing a scene when you video called. I hope you enjoyed your three days vacation with Mama Jean. Ninay said Mama Jean shopped for you and Alessi," saad ng celebrity momma.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi napigilan ng mga netizens ang maging emosyonal lalo na nang ibahagi ni Jennica ang pagbabalik-tanaw sa kanyang pagiging single parent at kung paanong ang Diyos, pati na rin ang mga taong nasa paligid niya, ang nagsilbing lakas at suporta sa kanya sa nasabing journey.

"Thank you, Mama Jean and Ninay, for making my single-parent journey a road I can bear. A road I've been able to survive through Christ Jesus to this day and always," ayon kay Jennica.

Nagpasalamat din siya sa dalawang pastor na naging malaking bahagi ng kanyang spiritual journey: "Thank You, Lord, for church community. Thank you, Pastor @titoalmadin. My Tatay who fervently prayed for me through every season. Thank you, Pastor @larrysouy. My Ninong who welcomed me back to @victorygreenhills with no judgement and open arms… My home."

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagsulat si Jennica ng isang paalala tungkol sa pananampalataya at kapayapaan: "We might not have all the answers, but because Christ knows all and has a good plan for our lives, we can go to bed with peace in our hearts," aniya ng aktres.

Matatandaang muling bumalik si Jennica sa showbiz matapos ang ilang taong pamamahinga. Nag-viral naman siya noong 2021 matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng dating asawang si Alwyn Uytingco, na kanyang pinakasalan noong 2014 sa isang private Christian ceremony.

Ang post ni Jennica sa Instagram ay hindi lamang nagbigay-inspirasyon sa maraming mga magulang, kundi naging patunay din ng kanyang katatagan at pananampalataya sa Diyos.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Jennica Garcia ang kanyang taos-pusong paghanga kay Luis Manzano sa social media. Nauna rito, nag-repost si Jessy Mendiola ng mga larawan ni Luis sa kanyang Instagram kasama ang isang makahulugang mensahe. Naantig dito si Jennica, kaya naman sumulat siya ng isang mula-sa-pusong mensahe para kay Luis.

Samantalang nagsalita na si Jennica Garcia tungkol sa kanyang viral na Santacruzan post. Sa isang livestream, ibinahagi ni Jennica ang naging reaksyon ng ilang netizens at celebrities. Sa gitna ng tawa at ngiti, pabirong sinabi ng aktres, "Akala nila sumalangit na ako!" Sa kabila ng mga reaksyon, pinuri pa rin si Jennica dahil sa kanyang paalala sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco