Jake Ejercito, inalala kung paano siya kinukulit ni Lolit Solis noon: "Our paths crossed many times"
- Nag-viral kamakailan lang ang aktor na si Jake Ejercito dahil sa kanyang post
- Ibinahagi kasi ni Jake ang kanyang pakikiramay ukol sa pagpanaw ni Lolit Solis
- Sa nasabing post, binalikan ni Jake ang mga panahong nakasalamuha niya si Manay
- Aniya pa nga ng aktor, kinulit din siya noon ni Lolit na sumali sa mundo ng showbiz
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-viral online si Jake Ejercito, isang kilalang aktor, matapos niyang ipaabot ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis ngayong taon.
Noong Saturday, July 5, ibinahagi ni Jake sa kanyang Facebook ang isang old photo nila ni Lolit.

Source: Instagram
Kalakip ng larawan ay isang makabagbag-damdaming mensahe kung saan binalikan ni Jake ang alaala ng pagiging palakaibigan at mapagpakumbaba ni Lolit sa kanya noon pa man sa Startalk.
Ayon sa kilalang aktor, bago pa man niya maisip na pasukin ang mundo ng local show business, palagi na siyang hinihikayat ni Lolit na subukan ito, na kalaunan ay ginawa nga ni Jake.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I remember you used to greet me on Startalk every weekend, egging me to enter showbiz long before the idea of it even crossed my mind. And when I finally did, you made it a point to welcome me — still with that same warmth. Thank you, Manay Lolit. Rest well," ani Jake sa kanyang post.
Bagamat inamin ni Jake na hindi sila naging malapit ni Lolit, nanatiling magaan at maayos ang kanilang mga naging pagkikita sa loob ng mga taon. "We were never close, but our paths crossed many times from when I was a kid and you were always kind, always warm," dagdag pa niya.
Umani ng papuri at suporta mula sa netizens ang simpleng paggunita ni Jake kay Lolit, na kilala sa industriya bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensyang personalidad sa mundo ng media.
Sa kanyang taos-pusong mensahe, ipinakita ni Jake ang respeto at pasasalamat sa kolumnistang minsang naging bahagi ng kanyang paglalakbay sa showbiz — isang alaala ng kabutihan na patuloy na mag-iiwan ng marka sa mga taong kanyang nakasalamuha noon at ngayon.
Si Jake Ejercito ay isang Filipino actor, model, at personality sa social media. Anak siya nina Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Nagsimula ang pagpasok ni Jake sa industriya ng showbiz noong 2016 sa pamamagitan ng mga guest appearance sa 'Kalyeserye' ng Eat Bulaga. Mula noon, lumabas na siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Marry Me, Marry You, The Broken Marriage Vow, at A Family Affair. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Jake na si Ellie na ipinanganak noong November 2011, mula sa aktres na si Andi Eigenmann. Bagamat naghiwalay ang magkasintahan noong 2014, patuloy silang nagkakasundo sa pagiging magulang kay Ellie.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay umugong ang pangalan ni Jake Ejercito online matapos niyang diretsahang pagsabihan ang ilang netizens. Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Jake ang mga screenshot ng mga malaswang komento ng ilang netizens. Kalaunan ay sinagot niya ang mga ito at pinayuhan ang mga netizens na maghintay na lang, na umani ng papuri mula sa fans.
Samantalang noong May ay muling pinatunayan ni Jake Ejercito ang kanyang likas na karisma sa kanyang post sa Facebook. Sa naturang app, nagbahagi si Jake ng litrato kung saan nakangiti siya sa isang hindi pa nakikilalang babaeng nakaputi. Lalong lumakas ang usap-usapan dahil sa kanyang caption, na naging sanhi ng mga spekulasyon mula sa kanyang mga tagahanga sa app.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh