Ina ni Erwan Heussaff, nag-comment sa look ni Anne Curtis nang ito ay pumunta sa France

Ina ni Erwan Heussaff, nag-comment sa look ni Anne Curtis nang ito ay pumunta sa France

  • Nag-viral kamakailan lang ang aktres na si Anne Curtis dahil sa kanyang post
  • Lumipad kasi siya patungong France kasama ang asawa at ang kanyang anak
  • Sa nasabing bakasyon, pumunta sila sa sikat na Puy du Fou, isang theme park
  • Dahil dito ay marami ang pumuri sa OOTD ni Anne, pati na rin ang biyenan niya

Agad na kinaaliwan ng mga netizen si Anne Curtis matapos siyang magbahagi ng ilang larawan mula sa kanilang masayang bakasyon sa France nitong taon kasama ang kanyang pamilya.

Ina ni Erwan Heussaff, nag-comment sa look ni Anne Curtis nang ito ay pumunta sa France
Photos: @annecurtissmith, @cynthiaheussaff on Instagram
Source: Instagram

Sa gitna ng much-needed vacation trip, dinala nina Anne at ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff ang kanilang anak na si Dahlia sa Puy du Fou, isang sikat na historical theme park sa Les Epesses na talaga namang may rich culture na pumukaw sa atensyon ng maraming fans.

Sa caption ng kanyang viral post, sinabi ni Anne: "A step back into medieval times. Was pretty amazed by the effort and talent put into it. Such a great way to learn about the ways of the past."

Sa mga litratong ibinahagi, makikitang napakaganda ni Anne suot ang isang all-black ensemble na may floral accents — isang dreamy at eleganteng outfit na agad namang napansin ng kanyang fans na todo puri sa aktres at sa kanyang fashion taste na noon pa ay nagva-viral na talaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang napa-comment, nagtatanong kung saan galing ang kanyang suot, habang ang iba naman ay hindi napigilang purihin ang kanyang timeless beauty at elegance na kanyang taglay.

Bukod sa mga komento ng fans, kapansin-pansin rin ang naging komento ng ina ni Erwan na si Cynthia Heussaff, na nagsabing: "Love your outfit!" Marami ang sumang-ayon sa papuri ng biyenan ng aktres, at lalo pang pinuri si Anne bilang isang huwarang fashion icon sa showbiz.

Sa kabila ng simpleng family trip, muling pinatunayan ni Anne Curtis ang kanyang natural na ganda at kakayahang humakot ng atensyon saan man siya magpunta, local man o international.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Ina ni Erwan Heussaff, nag-comment sa look ni Anne Curtis nang ito ay pumunta sa France
Screenshot mula sa Instagram page ni @annecurtissmith
Source: Instagram

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipina-Australian actress, model, TV host, entrepreneur, at recording artist. Pumasok siya sa mundo ng showbiz sa edad na 12 nang mag-debut siya sa pelikulang Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis noong 1997. Simula noon, naging isa siya sa mga naging pinaka-sikat at highest paid na actress sa kanyang henerasyon. Bukod sa pagiging artista, kilala rin siya bilang host ng noontime variety show na It's Showtime mula pa noong 2009. Bukod sa pagiging sikat na artista ay kilala rin si Anne sa mundo ng pagne-negosyo dahil sa makeup brand na BLK Cosmetics, activewear line na Recess, at baby wear label na Tili Dahli.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong May ay pinatunayan ni Anne Curtis kung bakit siya ay isang 'certified trendsetter' sa showbiz. Nag-post kasi si Anne ng bagong video sa Instagram kung saan nagpapagupit siya ng buhok. Ngunit ikinagulat ng mga fans ang kanyang final look para sa bago niyang pelikula kasama si Erik Matti. Marami ang talagang naloka sa edgy look na ito.

Samantalang umani naman ng atensyon online si Anne Curtis matapos siyang tumugon sa isang netizen. Nag-post kasi ang opisyal na page ng Nestlé Cream ng video ni Anne. Sa naturang video, makikitang naghahanda si Anne ng isang paboritong classic Filipino dish. Ngunit, ito'y naging dahilan upang mag-iwan ang isang netizen ng komento tungkol sa pagluluto ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco