Carla Abellana, ibinahagi ang sinapit ng aso habang kasama ang aniya'y “narcissistic ex”
- Nag-viral sa social media ang isang post tungkol sa epekto ng abusive relationship sa isang aso
- Naantig ang puso ni Carla Abellana at nagbahagi rin ng sariling karanasan sa dating relasyon
- Ayon sa aktres, ang kanyang mga alagang aso ay dumaan din sa takot at trauma noon
- Ngayon ay mas payapa na raw ang pamumuhay nila matapos silang makaalis sa mapang-abusong sitwasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pumukaw sa damdamin ng mga netizens, lalo na sa mga pet lovers, ang isang viral post sa Instagram na nagpapakita ng epekto ng abusive relationship — hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa mga alagang hayop. Kasama sa mga naantig sa kwento ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana, na nagbahagi rin ng sariling karanasan.

Source: Instagram
Ayon sa post, ang kanyang aso na si Penny ay naging tahimik, laging takot, at halos hindi na kumakain habang sila’y magkasama pa ng kanyang ex. Ipinakita sa video ang physical signs ng anxiety ng aso—nakalubog ang mga tenga, nawalan ng gana, at natatakot sa mga lugar na dati nitong paboritong tambayan. Ngunit nang makalipat sila sa bagong bahay, bumalik ang sigla ni Penny. “Her ears perked back up… and she hasn’t missed a meal since the day we left,” ayon sa post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa nasabing IG post, ikinuwento ng isang user ang apat na taong pakikipagrelasyon sa isang “narcissistic ex” at kung paano naapektuhan ang kanyang asong si Penny. Ayon sa kanya, nawalan ng gana sa pagkain ang aso, natatakot sa mga dati nitong paboritong pwesto sa bahay, at palaging nakalugmok ang tainga. Nang makalipat na sila sa ibang bahay, unti-unti umanong bumalik ang sigla ni Penny — isang malinaw na senyales ng ginhawang hatid ng bagong kapaligiran.

Source: Instagram
Ang kwentong ito ay nakaantig kay Carla Abellana, na sa comments section ng naturang post ay nagbahagi rin ng kanyang karanasan sa dating relasyon. Ayon sa aktres, nakaranas rin ng pang-aabuso ang isa sa kanyang tatlong aso noon mula sa kanyang “narcissistic ex.” Aniya, umabot siya ng pitong taon at kalahati sa relasyong iyon bago niya namalayang kailangan na niyang makaalis.
“Now, my dogs no longer shake out of terror, hide behind me or underneath the bed, cling to me whenever they’re afraid,” ayon kay Carla, na labis ang pasasalamat sa Diyos dahil nakawala sila sa sitwasyong iyon. Hindi pinangalanan ng aktres ang naturang ex, ngunit matatandaang ang huli niyang nakarelasyon ay si Tom Rodriguez, na naging asawa niya bago sila naghiwalay ilang buwan matapos ang kasal.
Sa parehong post, nagpaalala rin ang netizen na ang mga hayop ay ramdam ang tensyon at sakit na dala ng isang mapang-abusong kapaligiran. “Leave because they deserve to live in peace, just as much as you do,” ani pa niya — isang mensaheng umalingawngaw din sa mga tagasubaybay ng aktres.
Si Carla Abellana ay isang kilalang Kapuso actress na matagal nang bahagi ng industriya ng showbiz. Maliban sa kanyang mga teleserye at endorsements, kilala rin siya bilang isang animal lover, lalo na sa kanyang mga alagang aso. Naghiwalay sila ni Tom Rodriguez noong 2022, ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasal. Mula noon, naging bukas si Carla sa mga personal niyang karanasan, kabilang na ang tungkol sa emotional healing at animal welfare.
Naglabas ng saloobin si Carla sa social media tungkol sa matagal nang problema sa tubig sa Tagaytay, na labis umanong nakaapekto sa mga residente. Tinugon ng PrimeWater ang kanyang reklamo at sinabing nagsasagawa na sila ng mga hakbang upang masolusyunan ang isyu. Umani ito ng papuri mula sa netizens na humanga sa paninindigan ng aktres.

Read also
Pulong Duterte, ibinahagi ang aniya'y mensahe ng ama sa mga girlfriend nito habang nasa The Hague
Hindi agad nakuntento si Carla sa naging tugon ng PrimeWater at muling naglabas ng pahayag sa Instagram. Aniya, kailangan ng mas malinaw at konkretong solusyon upang matugunan ang problema sa tubig. Patuloy siyang umaapela sa kumpanya at pamahalaan upang bigyan ng atensyong nararapat ang mga residente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh