Danica Sotto, napa-'wow' sa in-edit na 360 video ni Vico Sotto mula sa oathtaking niya

Danica Sotto, napa-'wow' sa in-edit na 360 video ni Vico Sotto mula sa oathtaking niya

  • Muli na namang naging usap-usapan ang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto
  • Kamakailan ay nag-post kasi si Mayor Vico ng '360' video sa kanyang Instagram
  • Ito ay kuha mula sa kanyang oathtaking para sa ikatlong termino niya bilang Mayor
  • Tila kinagiliwan naman ng netizens ang kakaibang 'edit' ng video na ipinost ni Vico

Si Vico Sotto, ang current Mayor ng Pasig City, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos niyang i-post sa Instagram ang 360-degree na video mula sa kanyang oathtaking.

Noong Monday, June 30, ibinahagi ni Vico ang nasabing fisheye video kung saan makikita siyang nasa entablado kasama ang iba pang mga opisyal. Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Vico ang kanyang mga layunin para sa third term niya: "Oathtaking for Term 3, done. In this next chapter, we will focus on locking in our gains towards an open, honest, and more efficient government."

Danica Sotto, napa-'wow' sa in-edit na 360 video ni Vico Sotto mula sa oathtaking niya
Photos: @danicaspingris, @vicosotto on Instagram
Source: Instagram

Habang maraming netizens ang bumati sa kanya para sa kanyang ikatlong termino bilang mayor, hindi rin naiwasan ng ilan na mapatawa at mamangha sa kakaibang edit ng 360 video nito.

Isa pa ngang netizen ang nagkomento ng, "Congrats! Ano po trip mo?" Samantalang sa isang comment, ibinahagi ni Vico kung sino ang nag-edit ng video: "Yung 360 video, sinend lang sakin nung may ari ng cam, pero yung finished product, ako na po talaga gumawa, believe it or not."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lalo pa ngang kinatuwaan ito ng netizens nang magkomento mismo si Danica Sotto sa post: "Wow! Level up ang edit! Haha! God bless you, @vicosotto, and all our Pasig Government Officials!"

Sa gitna ng reaksyon ng mga netizens sa video, ay nagpasalamat pa rin siya, "Maraming salamat, Archi Ara at Sir Allen, sa 360 video. Medyo nakakahilo lang ano po," biro pa nga niya sa comment.

Sa kabila ng pagiging seryoso sa trabaho, muling pinatunayan ni Vico na kaya niyang pagsabayin ang pagiging lider at ang pagpapakita ng kanyang nakakatawang personalidad sa social media.

Panooring ang video sa ibaba:

Danica Sotto, napa-'wow' sa in-edit na 360 video ni Vico Sotto mula sa oathtaking niya
Screenshot mula sa Instagram page ni @vicosotto
Source: Instagram

Si Vico Sotto ay isang politiko sa Pilipinas na naglilingkod bilang Mayor ng Pasig City. Anak siya ng mga kilalang personalidad — sina Vic Sotto at Coney Reyes — ngunit pinili niyang tahakin ang landas ng public service sa halip na showbiz. Nagtapos siya ng Political Science (AB) at Master of Public Management mula sa Ateneo de Manila University. Simula nang maupo siya bilang Mayor ay kinilala siya bilang isa sa 12 Global Anti‑Corruption Champions ng U.S. State Department dahil sa kanyang mga hakbang tungo sa mas malinaw at bukas na pamahalaan noong 2021.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inihayag ni Mayor Vico Sotto ng Lungsod ng Pasig na hindi siya tatakbo sa anumang posisyong pampulitika sa Halalan 2028 sa kanyang oathtaking. Ayon sa kanya, ang pahayag na ito ay nagpapalaya sa kanya at nagbibigay daan upang maka-focus siya nang buo sa paggawa ng mga bagay na alam niyang tama sa huling termino niya bilang mayor.

Samantalang noong February ngayong taon ay umani ng atensyon sa online world si Vico Sotto dahil sa isang viral na video kamakailan. Sa TikTok, nag-upload si @lafable26 ng video kung saan makikitang nakikipag-usap si Mayor Vico sa isang matandang babae. Ngunit bigla na lamang nabanggit ng matanda ang pangalang "Aga," na agad namang nakatawag ng pansin kay Vico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco