Candy Pangilinan, ibinida ang video ni Quentin na nagtatrabaho sa isang restaurant
- -Si Candy Pangilinan ay naging usap-usapan online dahil sa kanyang anak na si Quentin
- -Kamakailan lang ay ipinagmalaki muli ni Candy and pagiging masipag ni Quentin
- -Sa Instagram, ipinost ng aktres ang video ni Quentin na gumagawa ng kape sa restaurant
- -Marami ang natuwa sa post ni Candy, hindi lamang netizens, kundi pati na rin ibang celebs
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Candy Pangilinan, isang Filipina actress, ay naging usap-usapan online matapos niyang ipagmalaki ang anak niyang si Quentin na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang restaurant.

Source: Instagram
Noong Wednesday, July 2, nagbahagi si Candy ng isang video sa kanyang official Instagram page kung saan makikita si Quentin na gumagawa lang naman ng Caramel Iced Latte sa Cucina di Francesco, isang Filipino-Italian restaurant na matatagpuan sa St. Pio Compound sa Quezon City.
Sa video, na agad naging viral, makikitang ginagamit ni Quentin ang coffee machine nang mag-isa at buong galing na inihanda ang sariling timplang kape na ikinamangha ng marami.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matapos kumalat ang video, umani ng papuri si Quentin mula sa netizens at ilang kilalang personalidad. Ani Gelli de Belen, isa sa mga matalik na kaibigan ni Candy, "Ang galing! Good job, Quentin!" Habang si Aiko Melendez, na isang aktres at politiko, ay nagkomento rin ng, "Good job, Q! We are so proud of you!" dahil sa ipinamalas na husay at galing ni Quentin sa restaurant.
Samantala, bumuhos din ang mga papuri mula sa mga fans at followers ng aktres:
"I'm happy for Q and Candy, grabe."
"Diyan pala siya nag-work, nakakatuwa naman."
"Ang galing ni Quentin! I am so proud of you, my dear."
"Quentin is good! Magaling na barista yan! Nakaka-inspire."
"Nakaka-proud si Q, grabe. Good job and God bless you and your mama!"
Muling pinatunayan ni Candy at Quentin na sa tamang suporta at pagmamahal, posible ang lahat.
Matatandaan na noong May, inanunsyo ni Candy ang tungkol sa 'on-the-job' training ni Quentin.
Panooring ang video sa ibaba:
Si Candy Pangilinan ay isang beteranang Filipinang aktres at komedyante na kinikilala sa kanyang malawak na kontribusyon sa pelikula at telebisyon. Sa kabuuan ng kanyang karera, gumanap si Candy ng maraming supporting roles sa mga romantic comedy at pati na rin sa mga sitcom sa telebisyon. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang manunulat at negosyante. Mayroon siyang anak na lalaki na si Quentin, at kilala rin siya bilang isang mapagmahal at dedikadong ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging bukas tungkol sa kanyang pinagdaanang operasyon si Candy Pangilinan. Kamakailan, nag-upload si Candy ng isang vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa kanyang laparoscopic surgery. Ipinaliwanag ng aktres na dahil sa nasabing operasyon, sa ospital niya kinailangang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Samantalang ibinahagi ni Candy Pangilinan ang isang emosyonal na sandali online. Sa kanyang pinakabagong vlog, napaluha si Candy matapos makaranas ng isa na namang 'outburst' mula sa kanyang anak. Habang nagmamaneho, hindi napigilang umiyak ni Candy habang sinasabihan si Quentin kung gaano na siya kapagod, na inamin niya sa unang pagkakataon sa kanyang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh