Niña Jose, inihayag ang maselang pagbubuntis bilang isang “blessing” mula sa Diyos
- Ibinahagi ni Mayor Niña Jose ang kanyang high-risk pregnancy sa kanyang oath-taking ceremony noong Hunyo 30
- Tinawag niyang “wonderful blessing” ang bagong miyembro ng kanilang pamilya matapos ang matitinding pagsubok sa nakaraang pagbubuntis
- Ayon kay Niña, ito ay mas lalong nagpatibay sa kanyang puso bilang public servant
- Nagpapasalamat siya sa Diyos sa kabila ng takot, lungkot, at panganib na kanyang hinarap noon pa man
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Masaya ngunit emosyonal ang panibagong yugto sa buhay ni Mayor Niña Jose-Quaibao ng Bayambang, Pangasinan. Sa mismong araw ng kanyang panunumpa para sa panibagong termino bilang alkalde, isang mahalagang anunsyo ang ibinahagi niya sa mga kababayan: siya ay nagdadalang-tao muli.

Source: Facebook
“Today, I am happy to share with you a wonderful blessing,” ani Niña habang napapalibutan ng kanyang pamilya. Sa edad na 36, alam niyang may mga panganib na kaakibat ang kanyang pagbubuntis. “But as some of you know, my pregnancies have been high-risk,” dagdag pa niya, sabay pasasalamat sa Diyos sa panibagong pag-asa.
Matatandaang minsan nang nagbahagi si Niña ng kanyang mga hirap sa pagiging ina. Siya ay ikinasal kay businessman at dating mayor Cezar Quiambao noong 2017 at biniyayaan ng anak na si Antonio. Ngunit hindi naging madali ang kanilang paglalakbay bilang magulang. Taong 2023, nawalan siya ng anak na si Hannah, na isinilang nang wala nang buhay. “I also wanted to die to be with them,” aniya noon. “I was mad at God but I am so grateful because no matter what I know He is always there.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang bagong pagbubuntis na ito ay itinuturing ni Niña na isang milagro at paalala na kahit sa gitna ng pagdadalamhati ay may liwanag na darating. “This journey… has given me an even greater sense of purpose,” aniya. Mas pinalalim ng karanasang ito ang kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko—ngayon ay mas may puso, mas may pag-unawa, at higit na mas inspiradong maglingkod.
Unang nakilala si Niña Jose bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Ngunit sa halip na ipagpatuloy ang showbiz, pinili niyang tahakin ang landas ng serbisyo publiko. Noong 2022, gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Bayambang, Pangasinan. Sa kabila ng pamumuno at pagiging ina, patuloy niyang pinatutunayan ang kanyang katatagan sa kabila ng matitinding pagsubok sa buhay.
Bayambang Mayor Niña Jose, kinondena ang pananakit kay Taylor Sheesh. Noong Oktubre 2023, umani ng papuri si Mayor Niña Jose matapos siyang magsalita laban sa pananakit sa impersonator na si Taylor Sheesh. Tinuligsa niya ang diskriminasyon at sinabing hindi dapat ginagawang biro ang karapatang pantao ng sinuman. Makikita ang malasakit ni Niña sa kanyang mga pahayag na laging may halong pag-unawa at proteksyon sa kapwa.
Mayor Niña Jose-Quaibao sa ‘palit mic’ issue noon: “Maarte ako pero di ako mapangmatang tao” Sa isa pang balitang umikot, nagsalita si Niña tungkol sa kontrobersiyal na ‘palit mic’ incident kung saan siya ay tinawag na maarte. Ayon sa kanya, hindi siya mapangmata sa ibang tao at iniwasan niyang palalain ang isyu. Ipinakita niya rito ang kanyang pagiging mahinahon at bukas sa pag-amin ng kanyang pagkakamali.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh