Ivana Alawi, binilhan ng iPhone ang anak ni Katrina Halili

Ivana Alawi, binilhan ng iPhone ang anak ni Katrina Halili

  • Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi, bisita niya ang mag-inang sina Katrina Halili at anak nitong si Katie
  • Ani Ivana, labis siyang natutuwa sa mag-ina na kanyang napapanood sa videos ng mga ito kaya naisipan niyang handugan si Katie ng mga bagay na ikatutuwa niya
  • "Can't say no" ang vlog ni Ivana kung saan sa toy store unang nag-ayang mamili si Katie
  • Labis din umanong humanga si Ivana sa kabutihan ng puso ni Katrina sa pagpapalaki nito sa pinakamamahal niyang anak na si Katie

Sa pinakabagong vlog ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi, naging bisita niya ang mag-inang Katrina Halili at ang anak nitong si Katie. Tila naging instant bonding moment ang kanilang pagsasama sa vlog na pinamagatang “Can’t Say No Challenge with Katie”, kung saan hindi maaaring tumanggi si Ivana sa kahit anong hiling ng anak ng Kapuso actress.

Ivana and Katie
Ivana Alawi, binilhan ng iPhone ang anak ni Katrina Halili
Source: Facebook

Unang humiling si Katie na mamili sa isang toy store, na agad namang sinang-ayunan ni Ivana. Sa gitna ng pamimili, namangha si Ivana sa disiplina at pag-uugali ni Katie, lalo na’t hindi basta-basta ito humihingi—ipinagpapaalam muna sa kanyang ina ang mga laruan bago ilagay sa kanyang shopping cart. Umabot sa tumataginting na Php64,000 ang kabuuang halaga ng pinamili ni Ivana sa mga laruan ni Katie.

Hindi pa doon natapos ang sorpresa, dahil nag-request pa si Katie ng bagong iPhone, na agad ding pinagbigyan ni Ivana. Bagamat may kamahalan ito, kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha ng bata, bagay na labis na ikinatuwa ng ina gayundin ng kanyang "Tita Ivana".

Nagpasalamat nang taos-puso si Katrina kay Ivana at ibinahagi ang kasiyahan para sa anak. Sa huli, inamin din ni Ivana na humahanga siya sa pagpapalaki ni Katrina kay Katie, na ayon sa kanya ay mabait, sweet, at magalang na bata.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng vlog:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.3 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.

Sa papatapos na Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon, isa si Ivana sa mga naging surpresang house guest ni Kuya. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.

Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad at labis na nangangailangan. Kamakailan lamang ay hindi nagdalawang-isip na gumastos ng Php500,000 si Ivana sa pamimimili ng mga cellphone na kalauna'y ipinamigay niya sa mga masusuwerteng tagasubaybay niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: