TV Personality na si Cesca Litton, may update patungkol sa cancer niya
- Si Cesca Litton ay naging usap-usapan dahil sa kanyang panibagong update
- Kamakailan lang ay nag-post ang TV personality tungkol sa kanyang cancer
- Ani Cesca sa mga fans niya, "After 6 cycles of chemotherapy, later is now"
- Gayunpaman, nilinaw ni Cesca na hindi pa tapos ang kanyang pakikipaglaban
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Cesca Litton, isang kilalang TV personality, ay muling naging usap-usapan matapos niyang ibahagi ang isang emosyonal at matapang na update ukol sa kanyang laban sa cancer this year.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Cesca ng isang reel na naglalaman ng mga random na snippets mula sa kanyang pagpapagamot, na talaga namang nagpaantig sa maraming netizens.

Source: Instagram
Sa simula ng kanyang caption, isinulat ni Cesca na: "Found a lump. Act now, feel later. Diagnosis. Act now, feel later. Surgery. Act now, feel later. After 6 cycles of chemotherapy, later is now."
Ayon sa TV personality, pakiramdam niya ay parang ilang buwan siyang hindi humihinga —nagsusumikap na manatiling buo ang loob sa bawat session ng kanyang chemotherapy noon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"It felt like I was holding my breath for the past few months, holding myself together because there was still so much to be done. The closer I got to my last chemo cycle, the more I unraveled, and last Friday, I could finally breathe and let go," aniya sa mga fans at followers niya sa Instagram.
Bagaman nakatapos na siya ng anim na cycles ng kanyang chemotherapy, nilinaw naman ni Cesca na hindi pa tapos ang laban niya: "It's not over yet. I start hormonal treatments next month, more tests and meds for the next 5 years, and then hopefully be declared officially in remission."
Sa kabila ng patuloy na proseso, mas pinili pa rin ni Cesca na ipagdiwang ang bawat tagumpay, maliit man o malaki. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pasasalamat sa mga taong tumulong at tumindig para sa kanya sa buong paglalakbay. "I also celebrate the people who got me through. Every single circle in my life stepped up, the expected and the unexpected," wika pa niya online.
Ngunit ang lalong nagpaantig sa puso ng marami ay ang pagpupugay ni Cesca sa kanyang mga doktor, nars, at higit sa lahat — sa Diyos. "My doctors and nurses who ensured I got the best care. But above all else, how do I even begin to thank a God who carried me through this? Apologies in advance if I'm just a weepy mess, the floodgates are open and I'm not sure how long it'll take for all the emotions to settle," pag-amin naman ni Cesca sa kanyang now-viral post sa photo app.
Panoorin ang video sa baba:
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isinugod kamakailan sa ER ang kilalang momfluencer na si Ciara Magallanes. Aniya Ciara, siya raw ay talagang naiyak at napa-pray kay God dahil sa insidente. Pag-amin pa nga ng momfluencer, naiyak siya dahil naisip niya ang kanyang mga anak. Dahil dito, inulan ng suporta ang post ni Ciara mula sa ilang celebrities.
Samantalang muling hinangaan si Jessie J sa social media dahil sa kanyang health update. Sa kabila kasi ng kanyang cancer diagnosis, nananatiling positive ang English singer. Matapos kasi siyang ma-diagnose, agad na kinailangan operahan si Jessie sa ospital. Aniya pa nga ni Jessie, "This post is some of the honest lows and highs of the last 48 hours."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh