Luis Manzano, labis ang pasasalamat sa kabayan na tumulong sa kanya sa Hong Kong

Luis Manzano, labis ang pasasalamat sa kabayan na tumulong sa kanya sa Hong Kong

  • Ibinahagi kamakailan lang ni Luis Manzano ang isang nakakaantig na karanasan niya
  • Sa Instagram, ni-repost ni Luis ang isang moment sa kanyang vlog na ikinatuwa ng marami
  • Noong siya ay nasa Hong Kong kamakailan lang, may isang Pilipino na tumulong sa kanya
  • Marami naman ang natuwa sa pagiging thankful ni Luis sa tulong na inabot ni kabayan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ibinahagi kamakailan ng aktor at TV host na si Luis Manzano ang isang nakakaantig na karanasan sa kanyang naging biyahe sa Hong Kong kasama ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at ang kanilang anak na si Isabella Rose, o mas kilala bilang Baby Peanut online.

Sa isang video clip mula sa latest vlog na ibinahagi niya sa Instagram noong Monday, June 30, ikinuwento ni Luis ang di-inaasahang sitwasyon habang sila'y nasa Hong Kong para sa bakasyon.

Luis Manzano, labis ang pasasalamat sa kabayan na tumulong sa kanya Hong Kong
Photos: @jessymendiola, @luckymanzano on Instagram
Source: Instagram

Ayon sa kanya, nagkasakit si Baby Rosie sa gitna ng kanilang trip kaya kinailangan niyang lumabas upang pumunta sa mga ph*rmacy at nang makabili ng gamot para sa kanyang anak.

Habang nasa bus stop, isang kababayang overseas Filipino worker na si Ate Virgie ang tumulong kay Luis sa simple ngunit makabuluhang paraan na nagpaantig sa maraming netizens online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya Luis sa video, "At dahil naghahanap ako ngayon ng gamot para kay Peanut, kasama ko ngayon si Ate Virgie kung saan magba-bus pa ako para pumunta sa plaza. Tapos binigyan ako ni Ate Virgie ng 10 dollars kasi wala akong barya ngayon. Ate Virgie, thank you very very much po."

Kahit matapos na silang maghiwalay ng landas, hindi pa rin nakalimot si Luis sa kanyang vlog.

Dagdag pa nga niya sa vlog, "Kailangan ko pang mag-bus papunta dun sa shop, papunta dun sa Watson's actually, sa ph*rmacy. Mula dun sa binabaan kanina, Ate Virgie, maraming maraming salamat po, so magba-bus pa ako papunta sa plaza para makakuha ng gamot ni Peanut."

Maraming netizens ang talagang naantig sa simpleng kabutihang ipinakita ni Ate Virgie kay Luis. Sa kabila ng pagiging dayuhan nito sa bansa, hindi nag-atubili si Ate Virgie na tumulong sa kapwa Pilipino niya — isang patunay ng malasakit at bayanihan na likas sa mga Pilipino.

Panooring ang video sa baba:

Si Luis Manzano ay isang Filipino actor, comedian, at TV host. Siya ay nagmula sa isang pamilyang matagal nang bahagi ng showbiz, bilang anak ng mga batikang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos. Kilala siya sa pagho-host ng maraming sikat na programa ng ABS-CBN, kabilang ang Pilipinas Got Talent, Kapamilya, Deal or No Deal, at Minute to Win It. Bukod sa pagho-host, gumanap din si Luis sa iba't ibang serye sa telebisyon at mga pelikula. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Jessy Mendiola, at mayroon silang anak na si Isabella Rose.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling naging usap-usapan si Luis Manzano sa social media. Kamakailan lang ay shinare kasi ng kilalang actor-host sa Instagram ang tungkol sa "new family" niya. Napansin naman ito ng kanyang matalik na kaibigan na si Nikki Gil na agad napa-comment sa post. Agad din namang napansin ni Luis ang iniwang komento ni Nikki sa kanyang viral post.

Samantalang noong June naman ay tapat na ibinahagi ni Luis Manzano ang kanyang karanasan kamakailan sa mundo ng pulitika. Matatandaang sumama kasi si Luis sa kanyang inang si Vilma Santos at tumakbo bilang Vice Governor ng Batangas. Ngunit hindi nakuha ni Luis ang posisyon, hindi tulad ng kanyang ina na nanalo ngayong taon. Sa vlog, naging bukas sina Luis at ang kanyang asawa habang ikinukuwento ang kanilang pinagdaanan sa buong campaign period.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco