Anne Curtis, "GIGIL" ang comment sa pumuna sa hosting award niya kahit lagi naman daw siyang absent

Anne Curtis, "GIGIL" ang comment sa pumuna sa hosting award niya kahit lagi naman daw siyang absent

  • May "GIGIL" na kumento si Anne Curtis sa netizen na pumuna sa kanyang pagkakapanalo ng award
  • Ang naturang award ay ang '53rd Box Office Entertainment Awards' para sa 'FEMALE TV HOST OF THE YEAR'
  • Saad ng naturang netizen sa X, "Filipino awards are weird. The one who was always absent got an award..."
  • Agad namang bumuwelta si Anne sa kumento ng netizen at sinabing, "FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year."

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Anne Curtis/It's Showtime/ABS-CBN Entertainment on YouTube
Anne Curtis/It's Showtime/ABS-CBN Entertainment on YouTube
Source: Youtube

May "GIGIL" na reaksyon si Anne Curtis sa isang netizen na pumuna sa kanyang pagkakapanalo ng award.

Ang tinutukoy na award ay ang '53rd Box Office Entertainment Awards' kung saan kinilala siya bilang 'FEMALE TV HOST OF THE YEAR'.

Ayon sa komento ng netizen sa X, "Filipino awards are weird. The one who was always absent got an award..."

Hindi ito pinalampas ni Anne at agad siyang bumuwelta sa pamamagitan ng sagot na, "FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinost ni Anne ang litrato ng sagot niya sa kumento ng netizen at sinabing, "GIGIL NILA AKO E. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because I was absent for half of this year acting for 2 different projects. 1 that I have yet to finish. Happy? Right @itsShowtimeNa"

Ang Box Office Entertainment Awards, na opisyal na kilala bilang GMMSF Box Office Entertainment Awards, ay isang taunang parangal na ginaganap sa Metro Manila na inorganisa ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Layunin nitong kilalanin ang mga Pilipinong artista—mga aktor, aktres, musikero, TV host, at performer—batay sa kanilang kasikatan at tagumpay sa komersyo, hindi sa artistic na husay.

Ang mga nominado ay pinipili mula sa mga pelikulang Pilipino na pinakakumita, mga nangungunang palabas sa telebisyon, mga patok na kanta, at matagumpay na concert performances sa nagdaang taon.

Karaniwang isinasagawa ang parangal mula Abril hanggang Hunyo, at ang kita mula rito ay napupunta sa pagbibigay ng scholarship para sa mga mahihirap na estudyante sa Bulacan.

Tignan at basahin ang post ni Anne Curtis sa X:

Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres, modelo, TV host, recording artist, at negosyante. Ipinanganak siya noong Pebrero 17, 1985 sa Australia at unang sumikat sa Pilipinas bilang batang aktres sa pelikulang "Magic Kingdom." Lumaki ang kanyang karera sa mga teleserye tulad ng "Kampanerang Kuba," "Dyosa," at "Dyesebel," pati na rin sa mga hit na pelikula tulad ng "No Other Woman," "Baler," at "Aurora." Bukod sa pag-arte, kilala rin siya bilang isa sa mga host ng noontime show na "It’s Showtime" at naging tagapagsalita ng UNICEF para sa mga bata. May sarili siyang makeup brand na BLK Cosmetics at nakapaglathala rin ng librong pambata. Ikinasal siya kay Erwan Heussaff noong 2017 at may anak silang babae na si Dahlia Amélie. Isa siya sa mga pinakarespetado at pinakamalalaking bituin sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Sa nakalipas na balita sa KAMI, Hindi napigilang mag-react ni Anne Curtis sa isang umano’y survey na ginawa ng “It’s Showtime” team. Sa X page ng noontime show, ipinost nila ang isang art card na nagpapakita ng attendance trust ratings ni Anne base sa “Showtime Research Survey.” Sa kanyang reaksyon, ipinaliwanag ng aktres ang dahilan ng kanyang pagliban sa programa noong Huwebes. Mahalagang banggitin na bumalik si Anne sa show mas maaga ngayong linggo matapos ang ilang buwang pahinga para sa kanyang mga proyekto.

Dagdag pa na nakalipas na balita tungkol sa aktres, Ang nalalapit na serye nina Anne Curtis at Joshua Garcia na “It’s Okay to Not be Okay” ay mapapanood na sa Netflix. Naglabas ang Star Creatives ng poster para sa inaabangang lokal na bersyon ng sikat na Korean drama. Sa comments section ng post ng Star Creatives, isang netizen ang tila nagtanong tungkol sa tambalan nina Anne at Joshua. Kalaunan ay nagbigay si Anne, na isa ring celebrity mommy, ng isang mahinahong sagot.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)