Jeraldine Blackman, dinala si Jette sa ospital: "We had a little accident"
- Si Jeraldine Blackman ay nagbigay ng update sa kanyang followers kamakailan lang
- Sa Instagram, ibinahagi ni Jeraldine ang isang picture nila ni Jette na nasa ospital
- Ibinunyag naman ng sikat na influencer ang dahilan kung bakit sila nagpunta sa ospital
- Aniya Jeraldine, nagakaroon daw sila ng "little incident" habang nasa bansa kasi
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jeraldine Blackman, isang Filipina content creator, ay nagbigay ng update sa kanyang followers tungkol sa kalagayan ng anak niyang si Jette habang sila ay nasa Pilipinas para sa bakasyon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jeraldine ang isang larawan kung saan makikita siyang nakaupo habang karga-karga si Jette — na tila naghahanda para sa isang injection sa ospital.

Source: Instagram
Makikita rin ang pagiging maalaga at mapagmahal na ina ni Jeraldine nang i-comfort niya si Jette sa ospital, at kiniss pa nga nito sa noo ang kanyang cute na anak bilang pampalubag-loob.
Ayon sa caption, nagkaroon ng aksidente si Jette kagabi, dahilan para sila'y pumunta sa ospital.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"We had a little accident last night — Jette was playing with my auntie's cat and got scratched on her right wrist," ani Jeraldine. Matapos ay nagpasalamat din si Jeraldine sa kanilang kamag-anak na si Manang Joy Joy na siyang unang tumulong sa kanila. "Luckily, her cousin (Manang Joy Joy) is a nurse and was there to help," aniya Jeraldine sa kanyang viral na na Instagram story.
Bukod dito, pinuri rin niya ang medical staff ng MMG Solano dahil sa paga-assist nito sa kanila. "And a big thank you to the amazing doctors and nurses at MMG Solano for taking care of Jette and making her feel better," ani Jeraldine, na ikinatuwa naman ng marami niyang fans online.
Matatandaang lumipad patungong Pilipinas si Jeraldine kasama ang kanyang mga anak para sa isang masayang bakasyon sa probinsya, na talaga namang naging usap-usapan sa social media.
Nagsilbi namang paalala sa iba ang post na ito ni Jeraldine tungkol sa pag-iingat sa mga pets.

Source: Instagram
Si Jeraldine Blackman ay isang Filipino-Australian social media personality na kilala sa kanyang mga family-oriented videos at nakakatawang content. Nakilala siya sa pamamagitan ng kanyang Instagram profile na @theblackmanfamilyofficial, kung saan ibinabahagi niya ang araw-araw na lifestyle, mga travel vlogs, at mga maiikling video na may temang komedya kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanyang nakakaaliw na content, umabot na sa mahigit 3 milyon ang kanyang followers sa Instagram pa lang. Malaki rin ang kanyang presensya sa TikTok at YouTube.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinahanga ni Jeraldine Blackman ang kanyang mga followers. Noong Sunday, June 29, ibinahagi ni Jeraldine na siya ay papuntang Ifugao. Kasama rin niya sina Nimo at Jette sa nasabing bakasyon. Marami naman ang natuwa nang makitang ipina-experience ni Jeraldine ang simpleng pamumuhay sa dalawang bata.
Samantalang ibinahagi naman ni Jeraldine Blackman ang isang nakakagulat at makabuluhang kwento online. Sa Instagram, ikinuwento ni Jeraldine ang kanyang patuloy na pakikipaglaban sa kalusugan. Ayon kay Jeraldine, mayroon siyang tinatawag na "left ventricular septal an*urysm." Nagbahagi rin siya ng ilang detalye pa tungkol sa kanyang kondisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh