Jeraldine Blackman, excited na bibisita sa Ifugao kasama ang mga anak: "We are home!"
- Si Jeraldine Blackman ay muling pinahanga ang kanyang mga followers
- Noong Sunday, June 29, ibinahagi ni Jeraldine na siya ay papuntang Ifugao
- Kasama lang naman niya sina Nimo at Jette sa nasabing bakasyon ngayong taon
- Marami naman ang natuwa nang makitang ipina-experience ni Jeraldine ang simpleng pamumuhay sa dalawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Jeraldine Blackman, isang Pinay content creator, ay muling pinahanga ang kanyang mga followers matapos magbahagi ng mga cute na larawan kasama ang kanyang mga anak habang bumabalik sa kanyang probinsya sa Ifugao, na ikinatuwa naman ng maraming netizens online.
Noong Sunday, June 29, ibinahagi ni Jeraldine sa social media na kasama niya sina Nimo at Jette sa isang makabuluhang biyahe patungong Ifugao, ang lalawigan kung saan siya nagmula.

Source: Instagram
Sa mga larawang kanyang ibinahagi, makikitang ibinahagi ni Jeraldine ang ilan sa mga simpleng alaala ng kanyang kabataan — mula sa pamimili sa sari-sari store, hanggang sa pag-inom ng soft drinks sa plastik na may straw, na siyang naging tampok ng kasiyahan sa kanilang paglalakbay.
Sa kanyang caption, sinabi pa nga ni Jeraldine na tinuruan niya sina Nimo at Jette magpa-bubbles, "WE ARE HOME! We are on our way to my province IFUGAO! I've shown Nimo and Jette how I used to buy sodas in stores and I've shown them how to make bubbles organically."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang natuwa at naantig sa pagiging totoo ni Jeraldine, pati na rin sa kanyang pagsusumikap na ipakilala sa mga anak ang kultura at simpleng pamumuhay sa probinsya.
Bumaha rin ng mga positibong komento mula sa kanyang followers na humanga sa kanyang pagiging grounded at hindi pagkalimot sa kanyang pinagmulan, sa kabila ng kanyang success.
Isa na lamang sa napa-comment ay ang anak ni Vicki Belo na si Cristalle, na nagpasalamat kay Jeraldine, "Thank you for showing the world how beautiful life is in the the Philippines."
Makikita ang original post sa Instagram:

Source: Instagram
Si Jeraldine Blackman ay isang Filipino-Australian social media personality na kilala sa kanyang mga family-oriented videos at nakakatawang content. Nakilala siya sa pamamagitan ng kanyang Instagram profile na @theblackmanfamilyofficial, kung saan ibinabahagi niya ang araw-araw na lifestyle, mga travel vlogs, at mga maiikling video na may temang komedya kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanyang nakakaaliw na content, umabot na sa mahigit 3 milyon ang kanyang followers sa Instagram pa lang. Malaki rin ang kanyang presensya sa TikTok at YouTube.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Jeraldine Blackman ang isang nakakagulat at makabuluhang kwento online. Sa Instagram, ikinuwento ni Jeraldine ang kanyang patuloy na pakikipaglaban sa kalusugan. Ayon kay Jeraldine, mayroon siyang tinatawag na "left ventricular septal an*urysm." Nagbahagi rin siya ng ilang detalye pa tungkol sa kanyang kondisyon.
Samantalang ibinunyag ni Jeraldine Blackman na ang kanyang tunay na ama ay Pilipino at kasalukuyang naninirahan pa rin sa Pilipinas. Ikinuwento niya na naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay sanggol pa lamang at pinalaki siya ng kanyang mga lolo't lola kasama ang pito nilang anak. Ipinaliwanag ng influencer na lahat ng kanyang litrato noong kabataan ay kasama ang kanyang mga lolo't lola, tiyuhin, at tiyahin dahil sila ang kanyang naging magulang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh