Vice Ganda nang mag-withdraw si Ion Perez mula sa pulitika: "I was thankful"

Vice Ganda nang mag-withdraw si Ion Perez mula sa pulitika: "I was thankful"

  • Si Vice Ganda ay muling naging sentro ng usapan sa social media kamakailan lang
  • Na-interview kasi si Meme ni Karmina Constantino-Torres sa kanyang channel
  • Sa nasabing panayam, natanong ni Karmina si Vice tungkol kay Ion Perez at sa 'COC' nito
  • Matatandaang winithdraw ni Ion ang kanyang 'COC' noong November 2024

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Vice Ganda, isang kilalang aktor at komedyante, ay muling naging sentro ng usapan matapos niyang magsalita tungkol sa desisyon ni Ion Perez na i-withdraw ang kanyang COC noong 2024.

Vice Ganda nang mag-withdraw si Ion Perez mula sa pulitika: "I was thankful"
Photos: KC After Hours on YouTube | @praybeytbenjamin on Instagram
Source: Youtube

Sa pinakabagong episode ng 'KC After Hours' ni Karmina Constantino-Torres sa kanyang YouTube, naupo si Vice para sa isang tapat at makahulugang panayam kasama ang journalist.

Isa sa mga tanong ni Karmina ay tumukoy sa naging emosyon ni Vice tungkol sa desisyon ni Ion na hindi ituloy ang kanyang kandidatura noong November 2024, na nag-viral sa social media.

"When Ion decided to go into politics, but kalaunan he withdrew. Ano yung fear mo nung time na yun? And were you thankful na he didn't push through?" tanong ni Karmina sa Kapamilya star.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang sumagot si Vice at ipinahayag ang kanyang saloobin ukol sa desisyon ng kanyang partner noon sa mundo ng pulitika: "Yeah, I was thankful na he didn't pursue but I did not convince him not to pursue it, and I also did not convince him to do it, to file for a candidacy."

Ipinaliwanag naman ni Vice na ganun talaga ang dynamics nila ni Ion bilang mag-partner.

"Ganun yung dynamics namin eh. Hindi ko pakikialaman si Ion, hindi ko i-aayon yung kagustuhan ni Ion sa kagustuhan ko. Yung kailangan yung buhay mo eh nakaayon sa kung anong kagustuhan ko, sa ikaliligaya ko, at kung ano ang pabor sa akin. Ayoko yung, 'Si Ion, asawa ni Vice' o 'partner ni Vice' kasi si Ion ay si Ion. May sarili siyang life," paliwanag niya sa video.

Bumalik din si Vice sa dahilan kung bakit nagdesisyon si Ion na magsumite ng Certificate of Candidacy sa una, bago ito tuluyang umatras na ikinagulat ng marami sa social media noon:

"Si Ion kasi, leader ng mga SK sa Tarlac. Hindi alam ng karamihan yun, siya ay leader at active talaga siya sa public service nung bata pa lang siya sa Tarlac. Even before I met him. At kinukwento yun ng mga taga-Tarlac, yung para siyang youth leader. Noon pa siya kinukumbinsi na tumakbo bilang konsehal," aniya Vice kay Karmina sa kanilang one-on-one interview.

Panoorin ang video sa baba:

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinag-usapan ni Vice Ganda si Ryan Bang at ang kasintahan nito sa It's Showtime. Naalala kasi ni Vice kung paano sila pinakain ni Ryan bilang selebrasyon ng Mother's Day. Kasama rin nila noon si Paola Huyong at ang pamilya nito. Sa show, ikinuwento ni Vice ang ginawa ng ama ni Paola na labis na tumatak sa kanyang puso nang makita niya ito.

Samantalang kagagaling lang ni Vice Ganda sa isang nakakatawang palitan ng biro kasama ang beteranang aktres at host na si Charo Santos. Sumali kasi si Charo sa 'Dance Like VG' trend kasama ang kanyang apong si Talia. Sa kanyang post, tinag niya si Vice at tinanong kung ano ang masasabi nito. Sa huli, sumagot si Vice at nag-iwan ng nakakatawang komento para kay Charo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco