Iya Villania, may pa-disclaimer sa post ukol sa mga anak: "For those who are quick to panic"

Iya Villania, may pa-disclaimer sa post ukol sa mga anak: "For those who are quick to panic"

  • Muli na namang pinasaya ni Iya Villania ang kanyang mga fans at followers
  • Ibinahagi kasi kamakailan lang ni Iya ang isang video ng kanyang mga anak
  • Sapul sa camera si Astro kasama ang kanyang cute na baby sister na si Anya
  • Tila naaliw naman si Iya, kundi pati na rin ang ibang mga netizens sa dalawa

Muling pinasaya ni Iya Villania, isang celebrity mom, ang kanyang mga tagahanga at tagasubaybay matapos mag-post ng isang cute na video ng kanyang mga anak sa social media.

Iya Villania, may pa-disclaimer sa post ukol sa mga anak: "For those who are quick to panic"
Photos: @deniseochoa, @iyavillania on Instagram
Source: Instagram

Noong Friday, June 27, ibinahagi ni Iya sa kanyang Instagram ang isang nakakatuwang video kung saan makikitang tila sinusubukang pakainin ni Astro, isa sa kanyang mga anak, ang bunsong si Anya Love. Sa kanyang caption, hindi napigilan ni Iya ang matawa sa naging eksena.

"Tell me you br*astfeed without telling me you br*astfeed. She might not understand it yet but Astro loves her so much, and I love them so much! My heart can't take it!" aniya ng celebrity mom.

Bukod sa kakyutan ng video, napansin din ng ilang netizens ang mabilis na disclaimer ni Iya tungkol sa clip, para umano sa mga netizens na tila mabilis mag-panic sa kanilang nakikita.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"For those who are quick to panic, we always let the kids get close to Anya, including Astro. But we're always close by to intervene should Anya need our help. There's nothing like learning to trust in your children and giving them a chance to love each other. One of the most beautiful things to witness in this world," paliwanag ni Iya sa kanyang mga fans at followers sa app.

Makikita sa video at sa kanyang mga salita ang malalim na pagmamahal ni Iya hindi lamang sa kanyang mga anak, kundi pati na rin sa proseso ng pagpapalaki sa kanila bilang isang magulang.

Matatandaang si Anya Love ay ang ikalimang anak ni Iya kay Drew Arellano. Ipinanganak si Baby Anya noong February 11, 2025, na labis namang ikinatuwa ng kanilang mga fans online.

Panooring ang video sa baba:

Si Iya Villania ay isang Filipina TV host, actress, singer, at model. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2003 sa interactive program na Game Channel. Pagkatapos nito, lumabas siya sa daytime drama ng GMA Network na Walang Hanggan at Click. Noong 2004, lumipat siya sa ABS-CBN, kung saan naging VJ siya ng MYX at lumabas sa mga palabas tulad ng ASAP at Wowowee. Noong 2014, bumalik si Iya sa GMA Network. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Drew Arellano at may lima silang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nabihag ni Iya Villania ang puso ng mga netizen online. Kamakailan, nagkaroon siya ng Q&A session kasama ang kanyang mga followers sa kanyang Instagram account. Ngunit may isang tanong na nag-stand out sa lahat — ito ay tungkol sa pagbubuntis. Agad naman itong sinagot ni Iya nang may labis na malasakit at sinseridad.

Samantalang tinalakay naman ni Iya Villania ang kahalagahan ng "extra help." Para kay Iya, na sabay na ginagampanan ang pagiging magulang at ang kanyang trabaho, mahalaga ang pagkakaroon ng kasambahay. Ayon sa kanya, ito ang nagbibigay sa kanya ng sapat na oras upang mapangalagaan ang iba pa niyang mga anak. Sa kanyang post, inamin din ni Iya na itinuturing niya ito bilang bahagi ng kanyang “postpartum package.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco