Angelica Panganiban, naloka sa itinuro ng kapatid ni Gregg Homan kay Amila

Angelica Panganiban, naloka sa itinuro ng kapatid ni Gregg Homan kay Amila

  • Si Angelica Panganiban ay hindi talaga makapaniwala sa post ni Con Homan online
  • Ibinida kasi kamakailan lang ni Con ang video ng kanyang pamangkin na si Amila Sabine
  • Makikita at maririnig sa video ang pagkasa ni Baby Bean sa viral na 'wat hafen Vella' trend
  • Talagang agad namang napa-react at napa-comment si Angge dito sa kanyang Instagram

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Angelica Panganiban, isang kilalang aktres at celebrity mom, ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita matapos mapanood ang nakakatuwang video ng anak niyang si Amila Sabine.

Angelica Panganiban, naloka sa itinuro ng kapatid ni Gregg Homan kay Amila
Photos: @iamangelicap, @conhoman on Instagram
Source: Instagram

Sa Instagram kamakailan, ni-repost ni Angelica ang isang video na unang ibinahagi ni Con Homan, ang masayahing kapatid ni Gregg Homan, na kilala ring tiyuhin ni Baby Amila Sabine.

Sa viral na video sa Instagram, maririnig at makikita si Amila na ginagawa ang sikat na "wat hafen Vella" trend — isang audio clip mula kay Christopher Diwata na inimpersonate ang role ni Taylor Lautner na si Jacob Black sa segment na 'Kalokalike' ng It's Showtime noong 2013 pa.

Nakakagulat at nakakatuwa para sa marami na kahit bata pa si Amila ay nagawa na nito ang trend with ease, bagay na labis na kinaaliwan din ni Con sa video na kanyang ipinost online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin napigilan ni Angelica na magbigay ng nakakatawang reaksyon sa kanyang Instagram story. "Yung mga tinuturo mo sa bata, Konar," ani niya, sabay lagay ng laughing-crying emoji.

Matatandaang noong Setyembre 2022 ay masayang inanunsyo nina Angelica at ng kanyang partner na si Gregg Homan ang pagdating ng kanilang baby girl na si Amila Sabine — isang milestone na labis na ikinatuwa ng fans at followers ng aktres sa local showbiz industry.

Ngayon, sa murang edad pa lamang ay kinagigiliwan na rin si Amila ng publiko sa kanyang pagiging bibo, cute, at game sa mga nauusong paandar o trends na nag-viral sa social media.

Panooring ang video sa baba:

Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong May ay tumanggap si Angelica Panganiban ng isang nakakaantig na pagbati para sa Mother's Day mula kay John Prats. Sa Instagram, nag-post si John ng litrato ni Angelica kasama ang anak nitong si Baby Amila Sabine Homan. Ngunit ang kinatuwaan ng maraming netizens ay ang candid na tugon ni Angelica sa pagbati ni John.

Samantalang pinakilig ni Angelica Panganiban ang mga netizen sa kanyang taos-pusong mensahe. Sa kaarawan ni Bela Padilla, bumati si Angelica sa pamamagitan ng isang sweet na post sa Instagram. Sa kanyang story, ibinahagi ng celebrity mom ang isang selfie kasama ang aktres. Kasama ng litrato ay isang nakakaantig na birthday greeting na ikinatuwa ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco