PrimeWater, sinagot ang reklamo ni Carla Abellana tungkol sa kakulangan ng tubig sa Tagaytay
- Nagreklamo si Carla Abellana matapos makatanggap ng disconnection notice mula sa PrimeWater sa kabila ng halos walang supply
- Tinanggap ng aktres ang bayarin pero binanatan ang serbisyo ng water provider
- Ayon sa PrimeWater, may active status pa ang account ni Carla kaya may minimum bill
- Sinabi ng kumpanya na naghatid sila ng tubig sa mga apektadong lugar kabilang ang Tagaytay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sumagot na ang Villar-owned water utility provider na PrimeWater matapos maging viral ang reklamo ng Kapuso actress na si Carla Abellana kaugnay sa umano’y hindi maayos na serbisyo sa kanyang property sa Tagaytay City.

Source: Instagram
Matatandaang ibinahagi ni Carla ang screenshot ng notice of disconnection na natanggap niya mula sa kumpanya noong Hunyo 26, kung saan hinihingi ang bayad sa kanyang account.
Ayon kay Carla, handa siyang magbayad ngunit binanatan ang kakulangan ng water supply. Aniya, “Okay lang po. Halos wala din naman po kayo supply na tubig everyday, so parang ganun na din naman po. But anyway, here’s the payment.”
Kaugnay nito, naglabas ng opisyal na pahayag ang PrimeWater noong Hunyo 29, Linggo, upang linawin ang sitwasyon. Ayon sa kumpanya, “Ms. Abellana’s account remains active with a minimum consumption of 1 cubic meter, which explains the standard P194 bill, along with a P20 meter maintenance charge.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaliwanag pa nila na bahagi ito ng standard utility practices, kung saan lahat ng aktibong account ay may minimum billing kahit hindi gaanong gumagamit ng tubig. Idinagdag din ng kumpanya na bumisita na ang kanilang team sa nasabing property at kinausap ang caretaker upang ipaliwanag ang sitwasyon at magbigay ng suporta.
Bukod pa rito, binigyang-diin ng PrimeWater na araw-araw silang naghahatid ng tubig sa mga lugar na apektado ng mababa o kawalan ng water pressure, kabilang na ang Tagaytay.
Isa ito sa kanilang hakbang upang maibsan ang abala sa mga residente. Sa kabila ng paliwanag, nananatiling mainit ang usapin online, lalo na dahil marami pang ibang lugar ang nagrereklamo rin sa parehong isyu laban sa kumpanya.
Matatandaang naging sentro ng mga reklamo ang PrimeWater sa ilang lugar tulad ng Bulacan. Kamakailan, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Local Water Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa hindi maayos na suplay ng tubig sa ilang pampublikong paaralan sa Malolos at San Miguel. Ayon sa ulat, nangako rin ang PrimeWater na aayusin ang sitwasyon bago magsimula ang pasukan sa lalawigan.
Si Carla Abellana ay isang batikang Kapuso actress na kilala sa kanyang mga lead roles sa drama series ng GMA Network. Kilala rin siya sa kanyang pagiging outspoken pagdating sa mga isyung may kinalaman sa serbisyo publiko at karapatan bilang consumer. Sa pagkakataong ito, ginamit niya ang kanyang plataporma upang isapubliko ang kanyang karanasan sa serbisyo ng tubig sa kanyang Tagaytay property.
Sa kabila ng matagal nang paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, muling naging sentro ng balita ang aktres kaugnay sa "one night stand" sa isang panayam sa kanyang amang si PJ Abellana. Hindi umano natuwa si Carla sa rebelasyong ito at lumalabas na hindi pa rin sila nagkakaayos. Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang estado ng kanilang relasyon kahit matagal nang hiwalay.
Kamakailan ay muling nagpost si Carla ng isang quote sa Instagram tungkol sa “happy people,” na marami ang nag-akalang may kaugnayan sa kanyang personal na sitwasyon. Sa kabila ng mga isyu na kanyang kinahaharap, tila ipinapakita ni Carla ang kanyang pagpupursige na manatiling positibo. Marami ang sumuporta sa kanya at nagbigay ng encouraging messages online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh