Direk Darryl Yap, buwelta sa “emo-weak-woke” na kontra sa batang gustong umasenso para sa magulang

Direk Darryl Yap, buwelta sa “emo-weak-woke” na kontra sa batang gustong umasenso para sa magulang

  • Matapang na ipinahayag ni Darryl Yap ang saloobin niya sa Facebook laban sa mga taong pumupuna sa mga batang sumasali sa contests na may layuning iahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan
  • Ayon sa kanya, likas sa mga Pilipino ang mangarap hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga mahal sa buhay kaya wala dapat mali kung ito ang kanilang inspirasyon
  • Tinuligsa niya ang mga komento na tila ginagawang negatibo ang kabataang may ganitong motibasyon, at tinawag niyang “emo-weak-woke” ang mga bumabatikos
  • Hinamon din niya ang sistema ng mga patimpalak na ginagamit ang kahirapan ng bata bilang emosyonal na kwento, pero nalulungkot kapag ang bata mismo ang nagsabing para sa pamilya ang kanyang dahilan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling umani ng atensyon ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos nitong mag-post ng matapang na opinyon sa Facebook tungkol sa mga taong pumupuna sa motibasyon ng mga batang lumalahok sa talent contests. Sa kanyang mahabang pahayag, tinuligsa niya ang mga netizen na tila problemado kapag sinasabi ng isang bata na gusto niyang magtagumpay para sa kanyang pamilya.

Direk Darryl Yap, buwelta sa “emo-weak-woke” na kontra sa batang gustong umasenso para sa magulang
Direk Darryl Yap, buwelta sa “emo-weak-woke” na kontra sa batang gustong umasenso para sa magulang (📷Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

“Bakit tayo magagalit kung sinasabi ng bata na kaya nya gustong magtagumpay sa buhay ay para sa kanyang mga magulang o pamilya?” saad ni Yap. Aniya, walang masama kung iyon ang inspirasyon ng bata at hindi ito dapat gawing isyu ng pagsasamantala o emotional manipulation. Ayon pa sa kanya, karaniwan sa mga Pilipino ang mangarap hindi lang para sa sarili kundi para sa ikabubuti ng buong pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kinuwestiyon din ng direktor ang mga production at contest formats na ginagamit ang kahirapan ng mga kalahok para humatak ng emosyon, pero agad-agad din naiiiritang tila “na-guilt trip” kapag mismong ang bata ang nagsasabi ng totoo. Dagdag niya, “TAPOS PAG NAGSABI ANG BATA NG ‘KAYA PO AKO SUMALI PARA MAIAHON KO SA KAHIRAPAN ANG PAMILYA KO’ nalulungkot kayo?”

Sa pagtatapos ng kanyang post, binanatan din ni Yap ang mga netizen na pinangungunahan umano ang interpretasyon ng pangarap ng iba, gayong wala namang sapat na kaalaman o karanasan sa tunay na hirap ng buhay.

Si Darryl Yap ay isang kilalang direktor, screenwriter, at content creator na madalas ma-involve sa mga kontrobersyal na proyekto at pahayag. Sumikat siya sa mga independent films at online content, ngunit mas lalo siyang naging kilala dahil sa kanyang mga opinionated social media posts at pagiging lantad sa mga isyu ng lipunan. Isa siyang kilalang Duterte supporter at malapit sa ilang kilalang personalidad sa pulitika at showbiz.

Sa gitna ng mga isyung kinahaharap niya, hindi nakalimot si Darryl Yap na magbigay-pugay sa kanyang iniidolong si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang social media post, binati niya ang dating pangulo ng "maligayang kaarawan" at tinawag itong tunay na ama ng bayan. Kilala si Yap bilang isang masugid na tagasuporta ni Duterte at isa sa mga matitibay na tagapagtanggol ng kanyang administrasyon.

Nagpahayag si Bossing Vic Sotto ng intensyon na ituloy ang kaso laban kay Darryl Yap kaugnay ng diumano'y paglabag sa karapatang-ari ng content. Ayon sa ulat, tinitingnan ng kampo ni Vic ang legal na aksyon dahil sa diumano’y paggamit ng ilang materyales sa isang proyekto ni Yap nang walang pahintulot. Ani Vic, “Hindi ito tungkol sa fame o pera, kundi prinsipyo.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate