Jimmy Santos, nagsalita tungkol sa balitang naghihirap na siya

Jimmy Santos, nagsalita tungkol sa balitang naghihirap na siya

  • Nilinaw ni Jimmy Santos na ang kanyang viral na pagganap bilang kargador, tindero ng fishball, at construction worker ay bahagi lamang ng content para sa kanyang YouTube channel
  • Ayon sa kanya, layunin ng mga video ang pagpupugay sa mga marangal na trabaho ng karaniwang Pilipino at hindi ito indikasyon ng kanyang personal na kalagayan sa buhay
  • Sa vlog na Kasolid Vlogs, inilahad niya na bukas pa rin siya sa mga proyekto sa showbiz at hindi kailanman nawalan ng kabuhayan o oportunidad
  • Ibinida rin ng kanyang anak na si Martin na lifetime endorser si Tito Jimmy ng isang local housing company sa Pampanga kaya’t kampante ang pamilya sa kanyang kinabukasan

Usap-usapan online kamakailan ang dating Dabarkads at batikang komedyante na si Jimmy Santos matapos mag-viral ang kanyang mga video kung saan makikita siyang nagkakargador, nagtatrabaho sa construction, at nagtitinda ng fishball. Dahil dito, marami ang napa-isip kung naghihirap na nga ba ang dating TV host.

Jimmy Santos, nagsalita tungkol sa balitang naghihirap na siya
Jimmy Santos, nagsalita tungkol sa balitang naghihirap na siya (📷Jimmy Santos/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam sa Kasolid Vlogs, nilinaw mismo ni Tito Jimmy ang katotohanan sa likod ng mga viral na eksenang ito. Ayon sa kanya, ang lahat ng iyon ay bahagi lamang ng mga video content para sa kanyang YouTube channel na Jimmy Saints. Nilalayon daw ng kanyang mga video na ipakita at bigyang-halaga ang mga marangal na trabaho ng mga simpleng Pilipino, hindi upang ipakita na siya ay naghihirap.

Pinakita lang daw niya ang mga trabahong ‘yon na ginagawa ng ating mga kababayan para kumita ng marangal.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Jimmy na bukas pa rin siya sa pag-aartista kung may mga offer na darating. Hindi raw siya nagretiro at nananatiling masigla sa kanyang pagganap, maging online man o sa telebisyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, binahagi ni Martin Hinson Vitug, producer ng YouTube channel, na hindi kailanman nawalan ng hanapbuhay ang kanyang ama. Sa katunayan, lifetime endorser umano si Jimmy ng isang kilalang local housing company sa Pampanga. Ayon kay Martin, hindi dapat ikabahala ang mga nakita sa vlog dahil malusog, masaya, at stable pa rin ang buhay ng kanyang ama.

Si Jimmy Santos ay isa sa mga haligi ng Philippine comedy at noontime television. Dating basketball player na naging artista, kilala siya bilang isa sa mga original Dabarkads kasama sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Eat Bulaga.

Sa loob ng maraming dekada, naging bahagi siya ng maraming pelikula at comedy shows. Sa kasalukuyan, aktibo siya sa paggawa ng mga inspiring at feel-good na video content sa kanyang YouTube channel na Jimmy Saints, kung saan pinupuntahan niya ang iba't ibang lugar at sumasama sa mga karaniwang mamamayan sa kanilang araw-araw na trabaho.

Sa isang video na in-upload sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Jimmy Santos ang kanyang karanasan sa pangangalakal ng mga recyclable materials sa Canada. Ayon sa kanya, layunin nitong ipakita ang karanasan ng mga overseas Filipinos na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Nagbigay-pugay rin siya sa mga OFW at kanilang sipag at tiyaga.

Nagulat at naantig ang damdamin ng mga Dabarkads sa pagbabalik ni Jimmy Santos sa Eat Bulaga matapos ang matagal na panahon. Nagkaroon ng reunion ang mga dating hosts ng programa at naging emosyonal ang eksena, lalo na sa muling pagkikita ni Tito Jimmy sa kanyang mga kasamahan sa industriya. Ipinakita ng eksenang ito ang matibay na samahan ng mga original Dabarkads.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate