Regine Velasquez, binigyan ng pangmalakasang payo si Fyang Smith
- Umapaw sa kilig at live music ang “Forever Fyang” album launch ni Fyang Smith sa New Frontier Theater
- Dumating ang American dad ni Fyang at ilang kaibigan nito para suportahan ang big event
- Nagbigay ng inspirasyon si Regine Velasquez sa kanyang onstage message para kay Fyang
- Nag-perform rin ang mga dating housemates ni Fyang at kinilig ang fans sa duet nila ni JM Ibarra
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naging matagumpay at puno ng emosyon ang ginanap na album launch ni Pinoy Big Brother Generation 11 Big Winner Fyang Smith, para sa kanyang debut album na “Forever Fyang”, na ginanap sa New Frontier Theater ngayong Linggo. Dumagsa ang kanyang fans upang masaksihan ang bagong milestone ng rising Kapamilya Gen Z star.

Source: Instagram
Isa sa pinakanag-stand out na eksena ng gabi ay ang mensahe na ibinahagi ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na special guest sa event. Ayon sa kanya, “Singing is a new thing for you. Ang pagkanta is a skill, kung isasapuso mo at isasaisip mo ang pag-practice, puwede kang maging magaling na magaling na magaling na singer.”
Ibinahagi rin ni Regine ang kahalagahan ng pagbibigay halaga sa bawat oportunidad, “Alam mo hindi lahat nabibigyan ng opportunity to record an album, to do a show, so kailangan lang nating isaisip at isapuso lahat ng mga gagawin natin para lahat sila maging happy lagi.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi man sila nakapag-duet, ramdam ang respeto at paghanga ni Fyang sa kanyang idol. Thankful din si Regine sa pagganap nina Fyang at JM Ibarra sa kanyang dalawang music videos—“Wherever You Are” at “Crazy For You.”
Isa pang highlight ng gabi ay ang duet nina Fyang at JM Ibarra sa kantang “Tayo Hanggang Dulo,” na labis na ikinakilig ng audience. Hindi rin nagpahuli ang mga dating housemates nina Kai Montinola, Rain Celmar, Kolette Madelo, at Jarren Garcia, na nagbigay-suporta at performances para sa kaibigan nilang si Fyang.
Present din sa event ang American dad ni Fyang na bumisita pa ng Pilipinas para personal na makita ang bagong yugto ng career ng kanyang anak. Kasama niya ang ilang kaibigan na lahat ay proud sa mga tagumpay ng singer.
Si Fyang Smith ay nakilala sa pagiging Big Winner ng Pinoy Big Brother Generation 11, at agad na minahal ng mga manonood sa kanyang natural na karisma, authenticity, at talent. Sa paglabas niya ng bahay ni Kuya, agad siyang binigyan ng music opportunity, kabilang na ang kanyang unang album na “Forever Fyang” na sumasalamin sa kanyang journey bilang bagong artist.
Samantala, si Regine Velasquez-Alcasid ay isa sa pinakarespetadong mang-aawit sa bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na music career, patuloy siyang nagbibigay ng suporta sa bagong henerasyon ng mga OPM artists.
Sa isang nakakatuwang Instagram post, ibinahagi ni Regine ang isang edited photo nila ni Heart Evangelista na nagpatawa sa netizens. Kilala si Regine hindi lang sa kanyang boses kundi sa kanyang pagiging relatable at humorous online.
Sa kanyang kaarawan, pinasalamatan ni Regine ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay at karera. Sa kanyang social media post, nagbigay siya ng inspirasyon sa mga tagasubaybay na patuloy pang managinip at magtagumpay sa gitna ng mga pagsubok.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh