Anjo Yllana, inaming naging sila ni Kris Aquino ng tatlong linggo lang
- Inamin ni Anjo Yllana sa panayam ni Snooky Serna na naging sila ni Kris Aquino sa loob ng tatlong linggo
- Naghiwalay sila matapos malaman ni Anjo na may iba pa palang boyfriend si Kris, kabilang na si Robin Padilla at Aga Muhlach
- Kwento ng aktor, naging malapit silang magkaibigan matapos ang breakup, at halos naging ninong pa siya ng anak ni Kris
- Nasira ang kanilang pagkakaibigan matapos pumabor si Anjo kay Joey Marquez sa naging isyu nila ni Kris, ngunit ngayon ay okay na raw sila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilang mapatawa at mapanganga ang mga netizens nang ibinunyag ni Anjo Yllana ang dating relasyon nila ni Kris Aquino sa isang panayam sa YouTube channel ni Snooky Serna. Sa segment na “Pick A Name,” lumitaw ang pangalan ni Kris, at doon na nagsimula ang rebelasyon ni Anjo—na minsan pala ay naging sila ni Kris, kahit pa ito’y tumagal lamang ng tatlong linggo.

Source: Youtube
“Ngayon ko lang ikukuwento ‘to, tutal matagal na ‘to, eh,” ani Anjo, habang natatawa. Ikinuwento niya na nagkaroon sila ng dalawang proyekto noon, at sa panahong iyon ay naging opisyal silang magkasintahan. Subalit, agad na nagwakas ang lahat nang minsang bumisita siya sa bahay ni Kris dala ang mga rosas mula Baguio—Hybrid Tea Roses pa raw ang klase ng mga ito.
Pagdating niya sa bahay, laking gulat niya nang makakita ng iba pang rosas. Nang tanungin niya si Kris kung kanino galing iyon, ang sagot: Robin Padilla. “Sabi ko, ‘Nanliligaw ba sa ’yo si Robin?’ Sabi niya, ‘Oh, he’s my boyfriend,’” kwento ni Anjo. Lalong ikinagulat ni Anjo nang marinig mula kay Kris, “Yeah, including Aga.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil sa pagkalito at pagkapahiya, agad na nagdesisyon si Anjo na itigil ang kanilang relasyon. Tinanggap niya na lang na magkaibigan sila. Sa kabila nito, naging magkaibigan pa rin sila at lalo pang naging close noong panahong nabuntis si Kris kay Phillip Salvador. Si Anjo pa raw sana ang magiging number one ninong ng anak ni Kris.
Ngunit ang kanilang pagkakaibigan ay nasira dahil sa naging isyu noon sa pagitan ni Kris at Joey Marquez. “Nagkahiwalay kami ng landas nu’ng nag-away sila ni Joey Marquez, remember that, malaking issue ‘yun!” sabi pa ng aktor. Dahil pumabor si Anjo kay Joey, tuluyang nasira ang samahan nila ni Kris. Gayunpaman, sa mga nakalipas na taon ay nagkakaroon na muli ng maayos na batian ang dalawa kapag nagkakasalubong.
Si Kris Aquino ay kilala bilang “Queen of All Media” sa Pilipinas. Maliban sa kanyang matagumpay na karera sa telebisyon at pelikula, bahagi rin ng kanyang popularidad ay ang kanyang buhay pag-ibig at matapang na personalidad. Samantala, si Anjo Yllana ay isa rin sa mga prominenteng aktor noong dekada '90 na kilala sa comedy, drama, at hosting. Ang kanilang hindi inaasahang love story ay isang patikim sa makukulay na kwento ng showbiz na madalas ay nananatiling lihim sa publiko.
Sa isang Facebook post, inalala ni entertainment columnist Dindo Balares ang isang pagkakataon kung saan nagkaroon sila ng malalim na pag-uusap ni Kris Aquino. Ayon sa kanya, malapit nang maiyak si Kris habang pinag-uusapan nila ang kanyang kalagayan at ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya. Maraming netizens ang naantig sa post at muling naalala ang kabutihan at pagiging totoo ni Kris.
Naglabas ng pahayag si Mama Loi, kaibigan ni Kris Aquino, para pabulaanan ang mga lumalabas na clickbait at pekeng balita ukol sa kalusugan ng TV host. Ayon sa kanya, maayos ang communication nila kay Kris at patuloy ang medical management ng aktres sa US. Hiling nila sa publiko ang dasal at pag-iwas sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh