Ivana Alawi, pumasa sa lie detector test nang sabihing hindi siya nanira ng pamilya

Ivana Alawi, pumasa sa lie detector test nang sabihing hindi siya nanira ng pamilya

  • Pumasa sa lie detector test si Ivana Alawi nang sagutin niya ang tanong kung siya ba'y nanira ng pamilya
  • Lumabas na nagsasabi umano siya ng katotohanan sa kanyang sagot
  • Kaugnay ng kanyang naging kasagutan, sinabi niyang labis niyang pinahahalagahan ang kanyang pamilya
  • Hanggang ngayon, tila mas pinahahalagahan pa rin talaga ni Ivana ang kanyang YouTube channel na mayroon nang 19.3 million subscribers

"Truth" ang lumabas sa lie detector test nang mabato ng kontrobersyal na tanong si Ivana Alawi.

Ivana Alawi, pumasa sa lie detector test nang sabihing hindi siya nanira ng pamilya
Ivana Alawi
Source: Youtube

Sa kanyang vlog na Truth or Lie na unang inilabas ngayong Hunyo 23, isa sa mga sinagot ni Ivana ang tanong na "Ikaw ba ay nanira ng pamilya?"

"No." ang matuwid na sagot ni Ivana. "Hindi ako pinalaking manira ng pamilya."

"I respect family kasi kami nga broken family, Ano 'to? Ta's maninira ako ng family?" dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilan pa sa mga natanong sa kanya ay kung may secret Instagram account ba siya na kanyang sinagot ng "yes."

Nang matanong kung na-ghost o naranasan niyang ma-ghost, sinabi rin niyang oo.

Nausisa rin siya kung mayroon ba siyang ex na nais pa niyang balikan, sinagot niyang wala o "no." Dagdag pa niya, cheater daw umano ito at nakita niya hindi lamang ang tunay na panlabas nitong anyo kundi maging ang hindi kagandahang ugali nito.

Narito ang kabuuan ng lie detector test mula sa kanyang Ivana Alawi YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.

Sa papatapos na Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon, isa si Ivana sa mga naging surpresang house guest ni Kuya. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.

Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad at labis na nangangailangan. Kamakailan lamang ay hindi nagdalawang-isip na gumastos ng Php500,000 si Ivana sa pamimimili ng mga cellphone na kalauna'y ipinamigay niya sa mga masusuwerteng tagasubaybay niya.

Sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay, nananatiling mapagkumbaba si Ivana, at patuloy ang kanyang malasakit sa kapwa. Marami ang humanga sa aktres dahil sa kanyang pagkukusa at bukal sa pusong pagbibigay, lalo na’t hindi biro ang halaga ng perang kanyang inilaan. Ipinakita niyang ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng kayamanan kundi sa kung paano ito ginagamit upang makatulong sa iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica