Jericho Rosales, kinaaliwan sa mga patama niya tungkol sa kinalat na basura sa tabing dagat
- Kinaaliwan ng netizens ang Instagram Stories ni Jericho Rosales tungkol sa coastal waste
- Gumamit ang aktor ng malikhain at witty na captions sa bawat basurang nakuha niya sa baybayin
- Ilan sa mga basurang nakita niya ay deodorant, c0ndom, soy sauce pouch, at fast-food cup
- Kasabay nito, napag-usapan din online ang isyu ng environmental responsibility ng publiko
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinakita ni Kapamilya actor Jericho Rosales ang kaniyang malasakit sa kalikasan sa kakaibang paraan matapos mag-post ng serye ng Instagram Stories tungkol sa basura na kaniyang nakalap sa isang coastal area sa Pilipinas.

Source: Instagram
Sa halip na basta lamang ipakita ang mga kalat, ginamitan niya ito ng malikhaing captions na may banat at paalala sa mga makakakita. Isa sa mga pinakatumatak na caption ay: “Mabango nga kilikili mo, ang baho naman ng trato mo sa kalikasan,” na kalakip ng litrato ng isang bote ng deodorant.
Kasama sa mga basurang kaniyang pinulot ay soy sauce pouch, c0ndom, whitening deodorant, isang bote ng iced tea, sapatos, at disposable cup mula sa isang sikat na fast-food chain. Ang mga larawang ito ay nagdulot ng halong aliw at inis sa mga netizens. Sa Reddit, marami ang natawa ngunit hindi rin naiwasang mainis sa patuloy na pagdumi sa mga baybaying-dagat. Komento ng isang netizen, “Nakakagigil naman talaga mga nagkakalat.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng pagiging aktibo sa kaniyang showbiz career at personal na buhay, pinatunayan ni Jericho na may puso pa rin siya para sa kalikasan. Isa siya sa mga artistang hindi natatakot gamitin ang kanyang impluwensya upang iparating ang mensahe ukol sa social at environmental issues. Kilala rin si Jericho sa kanyang pagiging outdoor enthusiast, surfer, at environment advocate, kaya hindi na kataka-taka ang kanyang malasakit sa coastal cleanups.
Bukod sa environmental advocacy, napag-usapan din kamakailan si Jericho kaugnay ng kanyang love life. Nag-trending ang isyu tungkol sa umano’y engagement nila ng aktres na si Janine Gutierrez. Una silang nagtambal sa Kapamilya drama series na Lavender Fields, at doon nagsimula ang kanilang ugnayan na ngayo'y opisyal na. Sa isang panayam, kinumpirma ni Jericho ang kanilang relasyon sa simpleng pahayag na: “I’m Janine’s boyfriend.”
Ngunit nang tanungin si Janine tungkol sa mga haka-haka ng engagement, agad niyang nilinaw na walang katotohanan ang balita. Aniya, pati sila ay nagulat sa paglabas ng ganoong tsismis.
Si Jericho Rosales ay isa sa mga pinakarespeto at hinahangaang aktor sa industriya ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang husay sa drama, pagiging multi-talented artist, at pagiging socially aware na personalidad. Maliban sa pagiging aktor, aktibo rin siya sa environmental campaigns, lalo na sa mga coastal cleanups at relief missions sa panahon ng kalamidad.
Naglabas ng babala si Jericho Rosales sa publiko hinggil sa mga social media pages na ginagamit ang kanyang pangalan para magpromote ng mga produkto na hindi niya iniendorso. Aniya, hindi siya konektado sa mga ganoong advertisements at hinihikayat niya ang netizens na mag-ingat at i-report ang mga ito.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang team ni Jericho Rosales tungkol sa mga pekeng advertisements online. Ayon sa kanila, walang katotohanan ang mga ads na nagpapakita umano ng pag-eendorso ni Jericho ng mga health or financial products. Muling paalala nila sa publiko na sumangguni lamang sa verified accounts para sa opisyal na impormasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh