Luis Manzano sa iniwang comment ni Nikki Gil sa 'new family' post niya: "Kaibigan ba kita o ano?"

Luis Manzano sa iniwang comment ni Nikki Gil sa 'new family' post niya: "Kaibigan ba kita o ano?"

  • Si Luis Manzano, isang kilala na aktor, ay muling naging usap-usapan sa social media
  • Kamakailan lang ay shinare kasi ni Luis sa Instagram ang tungkol sa "new family" niya
  • Napansin naman ito ng kanyang kaibigan na si Nikki Gil na agad napa-comment sa post
  • Agad din namang napansin ni Luis ang iniwang komento ni Nikki sa kanyang viral post

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Luis Manzano, isang kilala na aktor at TV host, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos niyang ibahagi ang tungkol sa "new family" niya na pumukaw sa atensyon ng marami.

Noong Monday, June 23, nag-post si Luis ng isang black-and-white na picture kung saan makikitang naka-pose siya ng wacky sa harap ng kamera, na tila kuha pa nga sa isang set.

Luis Manzano sa iniwang comment ni Nikki Gil sa 'new family' post niya: "Kaibigan ba kita o ano?"
Photos: @luckymanzano, @nikkigil on Instagram
Source: Instagram

Sa caption ng post, masaya niyang isinulat: "New family today" kasunod ng "saya nito."

Agad namang umani ng reaksyon ang post, lalo na mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Nikki Gil. Hindi kasi napigilan ni Nikki na biruin si Luis kaugnay ng kanyang pahayag sa post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa comments section ng post, pabirong natanong ni Nikki sa kanyang kaibigan: "But why? Sobrang ganda and bait na nga ni Jessy, and sobrang blessed mo na kay Rosie... Luis naman…"

Hindi rin naman nagpahuli si Luis at agad na sinagot ang komento ni Nikki sa nakakatawang paraan online: "Kaibigan ba kita o ano???? Pinag-aral kita tapos ganyan ka lang sa akin????"

Samantala, hindi rin nagpahuli ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola. Nag-react ito sa palitan ng dalawa sa pamamagitan ng sunud-sunod na laughing-crying emojis sa post ng kanyang mister.

Sa comments section, maraming netizens ang natuwa at natawa sa palitan ng kulitan nina Luis at Nikki. Marami rin ang nagpahayag ng pagkatuwa sa kanilang closeness at sense of humor.

Luis Manzano sa iniwang comment ni Nikki Gil sa 'new family' post niya: "Kaibigan ba kita o ano?"
Screenshot from @luckymanzano on Instagram
Source: Instagram

Si Luis Manzano ay isang Filipino actor, comedian, at TV host. Siya ay nagmula sa isang pamilyang matagal nang bahagi ng showbiz, bilang anak ng mga batikang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos. Kilala siya sa pagho-host ng maraming sikat na programa ng ABS-CBN, kabilang ang Pilipinas Got Talent, Kapamilya, Deal or No Deal, at Minute to Win It. Bukod sa pagho-host, gumanap din si Luis sa iba't ibang serye sa telebisyon at mga pelikula. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Jessy Mendiola, at mayroon silang anak na si Isabella Rose.

Sa nakaraang report ng KAMI noong June, tapat na ibinahagi ni Luis Manzano ang kanyang karanasan kamakailan sa mundo ng pulitika. Sumama kasi si Luis sa kanyang inang si Vilma Santos at tumakbo bilang Vice Governor ng Batangas. Ngunit hindi nakuha ni Luis ang posisyon, hindi tulad ng kanyang ina na nanalo ngayong taon. Sa vlog, naging bukas sina Luis at ang kanyang asawa habang ikinukuwento ang kanilang pinagdaanan sa buong campaign period.

Samantalang muli na namang nagkaroon ng nakakatawang palitan sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa social media. Ito ay matapos magbahagi si Luis ng isang larawan na nagpapakita ng cute na drawing ng kanyang anak na si Peanut — kasama siya, ang kanyang asawang si Jessy Mendiola, at si Baby Peanut mismo. "Bakit mukha akong mikrobyo?" ani Luis bilang reaksyon sa drawing, dahilan upang biruin siya ni Alex sa comments section ng kanyang viral online post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco