Kylie Padilla, may inamin tungkol relasyon kay Mariel Padilla

Kylie Padilla, may inamin tungkol relasyon kay Mariel Padilla

  • Ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang pangamba sa posibilidad na maiugnay sa kanyang personal na buhay ang tema ng bagong serye niyang My Father’s Wife, na tumatalakay sa pagtataksil at sirang relasyon
  • Nilinaw niya na malayo ito sa tunay na kalagayan ng kanyang pamilya, lalo na sa mabuting relasyon niya sa kanyang stepmother na si Mariel Padilla
  • Ayon kay Kylie, si Mariel ang kanyang madalas na takbuhan at pinaglalabasan ng saloobin kapag may pinagdaraanang problema sa buhay
  • Ipinagtapat din ni Kylie na iniingatan niyang makadagdag sa dinadala ng kanyang ama kaya si Mariel ang kadalasang nilalapitan niya para sa emosyonal na suporta

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Aminado ang aktres na si Kylie Padilla na may pangamba siyang nararamdaman para sa kanyang bagong proyekto sa GMA Afternoon Prime na My Father’s Wife.

Kylie Padilla, may inamin tungkol relasyon kay Mariel Padilla
Kylie Padilla, may inamin tungkol relasyon kay Mariel Padilla 📷@kylienicolepadilla/IG
Source: Instagram

Sa likod ng mga temang pagtataksil at sirang pagkakaibigan ng teleserye, nais niyang linawin na malayo ito sa tunay niyang relasyon sa mga mahal niya sa buhay—lalo na sa kanyang stepmom na si Mariel Rodriguez-Padilla. Ito ay kanyang sinabi sa pag-guest niya kasama si Kazel Kinouchi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bagamat sensitibo ang pamagat ng show, sinabi ni Kylie na hindi ito dapat iugnay sa sinuman sa kanyang pamilya. Lalo na raw at kabaligtaran ng drama ang ugnayan nila ni Mariel. Sa katunayan, si Mariel ang una niyang tinatakbuhan tuwing may problema, lalo na kung ayaw niyang mag-alala ang kanyang ama na si Robin Padilla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isinambit ni Kylie na sa halos lahat ng pagkakataon na kailangan niya ng tulong, si Tita Mariel ang una niyang nilalapitan. Aniya, malapit na malapit ang loob niya sa TV host at actress, at ito raw ang nagsisilbing tagapakinig at tagapayo sa kanya. Nagpapakita lamang ito ng respeto at tiwalang meron sila sa isa’t isa bilang magka-pamilya, sa kabila ng pagiging “stepmom.”

"Sumbungan ko siya. Sa kanya 'ko nagsusumbong when I have a problem. Kasi, ayokong magdagdagan 'yung problem ng dad ko, so kay tita Mariel na 'ko dumidiresto. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her,"

Hindi na bago sa publiko ang pagiging open ni Kylie Padilla pagdating sa kanyang mga personal na saloobin. Matapos ang ilang taon ng highs and lows sa kanyang buhay-pag-ibig at career, mas pinili niyang harapin ang bawat yugto ng kanyang buhay nang may katatagan at suporta mula sa kanyang pamilya. Ang kanyang relasyon kay Mariel Rodriguez ay isang patunay na hindi palaging may tensyon sa pagitan ng “step-relations”—sa halip, puwede itong maging source of strength.

Sa isang panayam, naging bukas si Kylie tungkol sa estado ng kanyang puso. Inamin niyang kasalukuyang tahimik at pribado ang aspeto ng kanyang love life, ngunit masaya siya sa kung ano man ang meron siya ngayon. Pinili niyang maging maingat sa pagbabahagi upang protektahan ang kanyang sarili at mga taong malapit sa kanya.

Sa parehong panayam, inalala ni Kylie ang bigat ng kanyang naging desisyon na lisanin ang Encantadia. Ayon sa kanya, hindi naging madali ang paghihiwalay sa iconic role na minahal niya, lalo’t marami ang umaasa sa kanyang karakter. Bagamat masaya siya para sa mga bagong oportunidad, hindi pa rin nawawala ang kirot ng pagbitaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate