Shuvee, may inamin tungkol kay AZ: "I felt betrayed nung time po na 'yon"
- Inamin ni Shuvee Etrata na nakaramdam siya ng betrayal kay AZ Martinez matapos silang ma-nominate
- Nag-guilty si Shuvee sa pagkalaglag nila ni Klarisse De Guzman sa PBB Celebrity Collab Edition
- Sa kabila ng sakit, pinili pa rin niyang magpatawad at umaasang maibalik ang kanilang samahan
- Patuloy pa rin niyang pinoproseso ang mga nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi naging madali para kay Shuvee Etrata ang mga kaganapan sa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Matapos niyang lumabas mula sa Bahay ni Kuya, dinala niya hindi lamang ang mga alaala kundi pati ang emosyonal na bigat ng mga nangyari—lalo na ang pagkaka-evict nila ng ka-duo niyang si Klarisse De Guzman o "Ate Klang."

Source: Instagram
Sa naging panayam ng GMA Integrated News sa mga latest evictees, inamin ni Shuvee na masaya siya sa mainit na suporta ng fans, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt sa nangyaring eviction.
“Until now, overwhelmed ako. I didn't know I won the hearts of many... Kasi, we were nominated because of me. So parang 'yung guilt na 'yon, until now dala-dala ko siya, bubog ko siya,” emosyonal na pahayag ni Shuvee.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa sa pinakatinutukang isyu ng netizens ay ang nomination na ginawa ni AZ Martinez, isa rin sa mga housemate, na naging dahilan ng pagkalaglag ng ShuKla duo. Hindi ito pinalampas sa panayam at diretsahang tinanong si Shuvee kung ano ang naramdaman niya tungkol dito.
“I-acknowledge ko lang din naman po. I felt betrayed nung time po na 'yon, pero malaki naman po 'yung heart ko to forgive her and we found our way back to each other naman,” ani Shuvee, na tila nais nang isara ang masakit na kabanata na iyon.
Dagdag pa niya, “Parang nung bumalik po ako, naging emotional po ako kasi even if it's hard for me na nangyari po sa amin iyon, na we had to part ways like that, nandoon pa rin naman po 'yung hope to form the bond again, to be okay again. Hinihintay ko lang po siya sa labas para po mas mapag-usapan namin.”
Si Shuvee Etrata ay isang Kapuso actress at talent ng Sparkle GMA Artist Center na mas lalong nakilala sa kanyang pagsali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kilala sa kanyang natural charm, relatability, at pagiging vocal sa kanyang mga nararamdaman, naging isa siya sa mga paborito ng fans. Sa kabila ng maagang eviction, ramdam ang pagmamahal sa kanya ng publiko.
Shuvee Etrata, emosyonal na ibinahagi ang kanyang paglagda ng bagong kontrata matapos ang PBB stint ∣ Matapos ang kanyang journey sa Bahay ni Kuya, masayang ibinahagi ni Shuvee ang kanyang bagong milestone—ang pagpirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center. Ayon sa kanya, ito ay simula pa lamang ng mas maraming oportunidad sa kanyang karera at isang patunay ng tiwala ng network sa kanyang talento.
Klarisse De Guzman’s girlfriend shares sweet reunion with the singer after PBB ∣ Nagbigay kilig ang pagbabahagi ng girlfriend ni Klarisse De Guzman sa kanilang muling pagkikita matapos ang pagkaka-evict ng singer sa PBB. Marami ang natuwa sa genuine affection ng dalawa at naging usap-usapan ito sa social media dahil sa pagiging open ng kanilang relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh