Kylie Padilla, aminadong nalungkot pa rin sa desisyong iwan ang Encantadia noon
- Naging emosyonal si Kylie Padilla habang pinapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre
- Inalala niya ang naging desisyon na lisanin ang Encantadia noong 2017 dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis
- Ibinahagi niyang masakit sa kanya ang makita ang mga Sang’gre na hindi kumpleto sa kwento
- Umaasa siyang magkaroon ng pagkakataong mabuo muli ang apat na Sang’gre sa isang proyekto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bittersweet ang naging damdamin ni Kylie Padilla sa pagbabalik ng paboritong telefantasya na Encantadia, sa bagong installment nitong Encantadia Chronicles: Sang’gre. Sa isang panayam ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News, emosyonal na ibinahagi ng aktres ang kanyang reaksyon habang pinapanood ang bagong serye ng GMA.

Source: Instagram
“Bittersweet kasi, siyempre, I know my role in the whole series,” ani Kylie, na dating gumanap bilang si Amihan, isa sa apat na Sang’gre. “Super ganda ng mangyayari kay Amihan especially when it comes to the birth of the new Sang'gres. Kasama si Amihan dun.”
Ngunit sa kabila ng ganda ng kwento, inamin ni Kylie na may kirot sa puso niya tuwing pinapanood niya ito. “But then also sad, because patay pa rin si Amihan and she is still an Ivtre,” dagdag niya. “Sad lang ako every time na I watch it and I see my three sisters nung wala si Amihan. Heartbroken every time I watched it.”
Naalala rin ni Kylie ang mabigat na desisyong iwan ang Encantadia noong 2017 sa kasagsagan ng kanyang karakter. “Sobrang pinaghirapan ko para lang magustuhan 'yung Amihan ko, 'yung version ni Amihan. And then at the height, I got pregnant,” pagbabalik-tanaw niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“It was unexpected and I really didn't know how else to handle it. And siguro nagulat din, siyempre, 'yung mga creatives, the writers,” dagdag pa niya. “Sobrang malaking, not just regret. Feeling ko kailangan ko pa bumawi.”
Ayon sa kanya, ang panaginip niya ay makitang muli ang Sang’gre sisters na buo—kasama si Amihan. “Dream ko mapanood na kumpleto kami na hindi patay si Amihan. Pambawi lang sa mga kapatid ko,” saad ni Kylie. “It's really painful to see them not complete, just because of me.”
Nang tanungin kung paano tumanggap ng balita ang tatlong iba pang Sang’gre—sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez—sinabi ni Kylie na hindi nila ito napag-usapan nang malalim. “Actually, we never talked about it,” aniya. “Siyempre, 'Congratulations. Happy for you,' ganiyan. Pero never namin napagusapan. How they felt after I left, never.”
Dagdag pa niya, “Siyempre, ako dun, may fear ako na baka may disappointment.”
Si Kylie Padilla ay anak ng beteranong aktor na si Robin Padilla at dating beauty queen na si Liezl Sicangco. Nakilala siya bilang isang versatile actress na mahusay sa drama, aksyon, at fantasy roles. Isa sa kanyang pinakatumatak na papel ay si Amihan sa 2016 remake ng Encantadia, isang fantasy epic na minahal ng maraming Pilipino. Sa kasagsagan ng tagumpay ng serye, kinailangan niyang iwan ito dahil sa kanyang pagbubuntis.
Isang emosyonal na panig ni Kylie ang nasilayan ng publiko matapos siyang maapektuhan ng isang balita tungkol sa isang ina na sinunog ang sarili sa harap ng kanyang mga anak. Ikinumpara ni Kylie ang sitwasyon sa hirap na pinagdadaanan ng maraming ina sa ilalim ng matinding depresyon. Hindi napigilan ng aktres ang kanyang emosyon at napahagulgol habang kinakausap si Nelson Canlas.
Matatandaang ibinahagi rin ni Kylie ang kanyang damdamin ukol sa mga batikos na tinatanggap ng kanyang amang si Robin Padilla, lalo na ngayong nasa mundo na ito ng pulitika. Aminado ang aktres na kahit may hindi sila pagkakaunawaan sa ilang bagay, nasasaktan pa rin siya bilang anak. Malapit pa rin siya sa kanyang ama, at gusto lamang niyang maunawaan ng publiko ang kabuuan ng kanyang pagkatao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh