Kylie Padilla, napaamin tungkol sa kanyang love life

Kylie Padilla, napaamin tungkol sa kanyang love life

  • Inamin ni Kylie Padilla na siya ay may bagong karelasyon
  • Sa kabila ng kasalukuyang masayang love life, may dala pa ring emosyonal na sugat ang aktres
  • Ibinahagi rin ni Kylie ang kanyang laban sa depresyon at kung paano siya inaalalayan ng kanyang mga anak
  • Mapapanood si Kylie sa bagong GMA Afternoon Prime serye na My Father’s Wife simula June 23

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang tahimik na panahon ng pagtuon sa sarili at sa kanyang mga anak, inamin na ni Kylie Padilla na may bago na siyang karelasyon. Sa panayam ng 24 Oras noong Huwebes, June 19, game na game na sumagot si Kylie sa tanong kung may espesyal na tao na sa kanyang buhay. “I am in a relationship, okay, fine,” sagot ng aktres habang natatawa, na tila sabik pero maingat sa kanyang pag-amin.

Kylie Padilla, napaamin tungkol sa kanyang love life
Kylie Padilla, napaamin tungkol sa kanyang love life (📷@kylienicolepadilla/IG)
Source: Instagram

Bagaman masaya sa bagong yugto ng kanyang buhay pag-ibig, aminado si Kylie na may mga sugat pa rin siyang hindi lubusang nahihilom. “But I'm very hopeful person, kasi and I'm trying to forgive and forget everything. Kasi no one wants naman to grow old alone,” paliwanag ng aktres. Nais daw niyang baguhin ang pananaw sa buhay pag-aasawa at ipangako sa sarili ang mas masaya at mas maayos na relasyon.

Dagdag pa niya, “And someone, who can complete my little family and take care of us. And love them as much as I love them.” Bukas na bukas si Kylie sa panibagong pagkakataon sa pag-ibig, ngunit hindi rin niya ikinubli ang mga pinagdaraanan niyang emosyonal, kabilang ang depresyon.

Sa parehong panayam, emosyonal na inilahad ni Kylie kung paanong ang kanyang mga anak ang nagsisilbing lakas niya sa kabila ng mga madidilim na araw. “They are very empathetic, they know now. They write me letters, ganiyan. Niyayakap nila ako,” masiglang pagbabahagi niya. Kitang-kita ang lalim ng pagmamahalan nila ng kanyang mga anak at kung paano ito nagiging sandigan niya sa oras ng panghihina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mapapanood si Kylie sa upcoming GMA Afternoon Prime soap opera na My Father’s Wife, na nakatakdang umere sa June 23. Isa ito sa mga pagbabalik-teleserye ni Kylie, na matagal ding nagpahinga mula sa spotlight matapos ang ilang personal na pagsubok.

Si Kylie Nicole Sicangco Padilla ay isang Filipina actress, recording artist, at daughter ng action star na si Robin Padilla at Liezl Sicangco. Nagsimula siyang sumikat bilang teen actress sa GMA Network at naging bahagi ng iba't ibang teleserye at pelikula. Isa rin siyang hands-on mom sa kanyang dalawang anak na lalaki sa dating asawang si Aljur Abrenica. Sa kabila ng ilang kontrobersya sa kanyang personal na buhay, nananatili siyang isang inspirasyon sa mga single moms na patuloy lumalaban at naghahanap ng kaligayahan.

Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, emosyonal na ikinuwento ni Kylie ang isang balitang labis niyang dinamdam—ang tungkol sa isang ina na sinunog ang sarili sa harap ng mga anak. Napahagulgol siya sa gitna ng panayam dahil umano’y matindi ang kanyang empathy bilang isang ina rin. Isa itong patunay kung gaano kalalim ang kanyang malasakit sa mga bata at kapwa ina.

Sa isa pang panayam, inamin ni Kylie na nasasaktan siya kapag nakakarinig ng masasakit na salita laban sa kanyang ama, si Robin Padilla. Bagamat may mga hindi sila napagkakaunawaan, bilang anak ay natural pa rin ang kanyang pagtatanggol sa ama. Ipinahayag niya ang kanyang hangarin na sana ay maayos ang lahat at magkaroon ng mas magandang relasyon sa pagitan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate