Melai Cantiveros, binalikan ang kwelang alaala tungkol sa kanyang ama

Melai Cantiveros, binalikan ang kwelang alaala tungkol sa kanyang ama

  • Nag-post si Melai Cantiveros sa Instagram ng nakakatawang tribute sa kanyang ama ngayong Father's Day
  • Ikinuwento niyang minsang sinabi sa mga kaklase na stepfather niya ang ama dahil sa mga serye at sa madalas na napapagalitan siya
  • Binalikan din niya ang mga aral na itinuro ng kanyang ama na mas mahalaga pa raw sa Biology
  • Tinawag niya itong “Oppa Dionisio the Prostate boy with a heart” sa dulo ng kanyang post

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bumenta na naman ang natural na sense of humor ni Melai Cantiveros sa kanyang latest Instagram post ngayong Father’s Day. Sa isang heartfelt ngunit kwelang tribute, binalikan ng komedyante at TV host ang kanyang kabataan — partikular na ang mga pagkakataong siya’y napapalo, napapagalitan, at dahil dito’y napilitan pa siyang itanggi ang tunay na relasyon nila ng kanyang ama.

Melai Cantiveros, binalikan ang kwelang alaala tungkol sa kanyang ama
Melai Cantiveros, binalikan ang kwelang alaala tungkol sa kanyang ama (📷@mrandmrsfrancisco/Instagram)
Source: Instagram

“Happy Fathers Day sa StepFather ko na kamukhang kamukha ko daw tlaga,” bungad ni Melai sa kanyang caption. Ikinuwento niya na dahil sa madalas na “pananakit” (na sa kabuuan ay bahagi ng disiplina noon), ay sinabi niya sa kanyang mga kaklase noon na stepfather lang ang kanyang ama. Ani pa niya, “sabi ko sa self ko para makaganti… sabi ko step father ko cya… dahil narin sa mga teleserye na napapanood ko.”

Ngunit hindi rin niya kinaya ang biro ng kapalaran — dahil ayon sa kaklase niya, kamukha raw niya ang kanyang “stepfather.” Dito na niya napagtanto ang katotohanan at bumigay na rin: “Kaya sinabi kona ang totoo ‘Papa ko tlaga cya.’”

Ang mga alaala ng palo at sermon ay hindi lang basta sakit kundi naging pundasyon ng mga aral na dala-dala ni Melai hanggang ngayon. Ayon sa kanya, hindi man natuto ng Biology ang kanyang ama, itinuro naman nito ang mga aral ng buhay: “Wag mainggit, Wag mang apak ng tao, Wag magsinungaling, Wag Mangutang Makontento sa kung anung merun.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, may pagka-psychologist daw ang kanyang ama, kaya’t kahit anong tago mo sa katotohanan ay alam nito ang totoo.

Hindi rin nakaligtas sa kanyang witty side ang ending ng kanyang mensahe. Tinawag niya ang ama bilang “Oppa Dionisio the Prostate boy with a heart,” at pabirong ibinahagi na noong siya ang napapalo, parang wala namang pakundangan — pero ngayong siya na ang nagpapalo sa kanyang mga anak, napagsabihan pa siya nito. “Wow Hiyang Hiya ang pangangati ko sa palo na natatangap ko dati ha?????? 😄😁👍 Char lang hehehe,” ani Melai.

Si Melai Cantiveros ay isang kilalang komedyante, TV host, at aktres na unang sumikat bilang Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Double Up” noong 2009. Kilala siya sa kanyang masayahin at palatawang personalidad, bagay na naging puhunan niya sa pagho-host ng mga sikat na programa gaya ng Magandang Buhay. Isa rin siyang hands-on mom at mapagmahal na asawa kay Jason Francisco.

Sa isang nakakatuwang post, tinawag ni Melai ang kanyang mister na si Jason Francisco bilang “Echo,” na tila biro ukol sa actor na si Jericho Rosales. Pabirong ibinahagi ni Melai ang throwback photo ni Jason at sinabing mukha umano itong si Echo, dahilan para kiligin ang fans ng kanilang love team.

Sa isa pang viral na IG post, ibinahagi ni Melai ang nakakatawang karanasan kasama ang kanyang mga anak. Ayon sa kanya, tila sinusunod na ng mga ito ang ilang dating gawi o estilo ng pagpapalaki na natutunan niya sa kanyang sariling mga magulang. Nakakatuwang tinanggap ni Melai ang papel ng pagiging “strikta” habang sinasalamin ang impluwensiya ng mga magulang niya sa pagpapalaki sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: