Lotlot de Leon, inalala ang pag-uusap nila ni Cocoy Laurel sa burol ni Nora Aunor
- Ipinahayag naman ni Lotlot de Leon ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Cocoy Laurel
- Sa pamamagitan ng isang online post, inalala ni Lotlot ang pagbisita ng Tito Cocoy niya
- Matatandaang isa kasi si Cocoy sa nakiramay sa burol nang pumanaw na si Nora Aunor
- Dahil dito ay binalikan ni Lotlot ang kanilang huling pag-uusap bago ang pagpanaw ng aktor
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinahayag ni Lotlot de Leon, isang Filipina actress, ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Cocoy Laurel kasunod ng malungkot na balita ng pagpanaw ng aktor ngayong taon.
Kamakailan lang ay ilang lokal na media outlet ang nag-ulat tungkol sa pagpanaw ni Cocoy matapos itong kumpirmahin ng kanyang pamilya sa isang Facebook post na nag-viral online.

Source: Instagram
Sa Instagram, ibinahagi ni Lotlot ang isang painting na ginawa ni Cocoy para kay Nora Aunor, bago niya ikinuwento ang kanilang pag-uusap nang dumalo ito sa burol ng yumaong aktres.
"Such sad news to learn of the passing of my dearest Tito Cocoy. When you came to visit Mom for the last time, you brought with you a beautiful painting you had made for her. You told me that you had always promised to create another one for her — and so, you brought it with you to her wake."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ani Lotlot, ang painting na iniwan ni Cocoy ay higit pa sa isang simpleng regalo — ito ay isang alaala ng pagkakaibigan at pagmamahal, "You turned to me and said, 'Lot, please keep this… I'm giving this to you as a gift. Keep it.' That painting is more than just a piece of art. It's a symbol of your deep friendship and lasting love for Mom. I accepted it with all my heart, and we will treasure it forever."
Sa pagtatapos ng kanyang viral post, taos-pusong ipinahatid ni Lotlot ang kanyang simpatya at dasal para sa mga naiwang mahal sa buhay ni Cocoy, "Thank you, Tito Cocoy. May you rest in peace. My deepest condolences to the Laurel family. Our thoughts and prayers are with you during this difficult time."
Swipe left para makita ang iba pang mga photos:
Si Lotlot de Leon ay isang kilalang Filipino na aktres na matagal nang nasa industriya. Una bilang child actress, at kalaunan ay bilang pangunahing karakter sa mga pelikula at teleserye. Anak na in-adopt nina Nora Aunor at Christopher de Leon, siya ay kabilang sa tanyag na pamilya sa showbiz kasama ang mga kapatid na sina Matet, Ian, Kenneth at Kiko de Leon. Nakilala rin si Lotlot bilang isa sa original members ng That's Entertainment, kabilang ang pagiging bahagi ng tanyag na love team niyang 'Lotlot‑Monching' kasama si Ramon 'Monching' Gutierrez.
Sa nakaraang report ng KAMI noong Father's Day ay nag-alay si Lotlot de Leon ng taos-pusong post para kay Christopher de Leon. Noong Linggo, nagbahagi ang aktres ng isang reel na nagpapakita ng ilan sa kanilang mga nakakatuwang sandali ni Christopher na ikinatuwa ng marami. Kalakip ng reel, sumulat siya ng isang malambing na mensahe para sa kanyang ama.
Samantalang, pinaantig ni Lotlot de Leon ang puso ng maraming netizens online. Nag-post kasi si Lotlot ng isang larawan mula sa pagdalaw niya sa yumaong Nora Aunor. Sa kanyang post, sinabi ni Lotlot na bumisita siya sa kanyang ina kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Makikita rin sa larawan sina Janine Gutierrez at ang nobyo nito, ang aktor na si Jericho Rosales.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh