Javi Benitez, natawa sa 'Happy Father's Day' greeting sa kanya
- Napa-react si Victorias City Mayor at incoming Congressman Javi Benitez matapos makatanggap ng “Happy Father’s Day” greeting sa kabila ng pagiging binata
- Sa isang Facebook post, ipinakita ni Mayor Javi ang screenshot ng mensahe at nilinaw niyang hindi pa siya ama, sabay biro na “Manong lang anay” at “Happy Not Yet a Father’s Day”
- Kinaaliwan ng mga netizens ang kanyang kwelang tugon, at marami ang nagsabing “ama” na rin siya sa mata ng mga mamamayan ng Victorias at ng 3rd District
- Isa na namang patunay ito ng pagiging kalog at relatable ni Mayor Javi sa social media, kasunod ng viral post niya noong Mayo tungkol sa isyu ng kanyang ama, si Mayor Albee Benitez
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilan ni Victorias City Mayor at incoming 3rd District Representative ng Negros Occidental na si Javi Benitez ang matawa matapos makatanggap ng isang di-inaasahang pagbati nitong Father’s Day.

Source: Instagram
Sa kanyang Facebook post noong Hunyo 16, ibinahagi ni Mayor Javi ang screenshot ng mensahe kung saan siya ay binati ng “Happy Father’s Day” — kahit hindi pa siya isang ama.
Sa kanyang reply, biro ni Mayor Javi, “Hi Engr! Indi pa ko father [laughing emojis]”, sabay post ng caption na mas lalong ikinatuwa ng netizens:
“Kalinti! Kaghapon, may nag-Happy Father’s Day sa akon. I-liwat ko ya, indi pa ko father, Manong lang anay!”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinundan pa niya ito ng dagdag na biro, “Happy Not Yet a Father’s Day sa akon!”
Agad na umani ng tawa at positibong komento ang naturang post. Ayon sa ilang netizens, hindi man siya literal na ama, “ama” naman siya sa puso ng mga mamamayan ng Victorias at ng buong 3rd District ng Negros Occidental.
“Father ka sang bilog nga Victorias and soon the whole 3rd District. That is why gin greet ka nila Mayor!” ayon sa komento ng isang netizen.
Si Javi Benitez ay dating aktor at anak ng kilalang negosyante at pulitiko na si Albee Benitez, kasalukuyang Mayor ng Bacolod City at newly-elected Lone District Representative ng lungsod. Matapos pasukin ang mundo ng politika, si Javi ay nahalal bilang Mayor ng Victorias City at ngayon ay papasok na sa mas mataas na posisyon bilang kongresista ng 3rd District ng Negros Occidental.
Sa kabila ng kanyang batang edad at pagiging bachelor, si Mayor Javi ay isa sa mga hinahangaan ng mga mamamayan dahil sa kanyang dynamic at modernong pamumuno. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit may bumabati sa kanya ng “Happy Father’s Day” — bilang simbolo ng kanyang pagiging ama sa serbisyo publiko.
Nagbigay ng patutsada si Mayor Javi Benitez kay Xian Gaza sa isang Facebook post na tila may kinalaman sa viral na kaganapan sa social media. Bagaman hindi direktang binanggit ang buong isyu, lumabas ang kanyang pagiging prangka at witty.
Binasag ni Mayor Javi ang kanyang pananahimik hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanyang mga magulang, Albee at Nikki Benitez. Ayon sa kanya, naniniwala siya sa legal na proseso at handa siyang suportahan ang kanyang pamilya habang inaayos ang isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh