Claudine Barretto, binasag ang pananahimik sa panibagong akusasyon umano sa kanya
- Nilinaw ni Claudine Barretto na hindi siya ang nagsumbong kay Cristy Fermin tungkol sa diumano’y pananakit ni Dennis Padilla kay Marjorie
- Inakusahan umano siya ni Marjorie bilang source ng kontrobersyal na impormasyon na naging dahilan ng matinding pag-aaway muli ng magkapatid
- Ibinunyag din ni Claudine na nakakatanggap daw siya ng pagbabanta mula sa kanilang kapatid na si Mito Barretto kaya siya humingi na ng tulong sa mga awtoridad
- Nagbigay-pahayag si Cristy Fermin na hindi si Claudine ang kanyang source, ngunit sa kabila nito ay tuloy pa rin ang bangayan sa pamilya Barretto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nabuhay ang matagal nang alitan sa pamilya Barretto matapos masangkot si Claudine Barretto sa mainit na isyu sa pagitan ng kanyang kapatid na si Marjorie at dating bayaw na si Dennis Padilla.

Source: Instagram
Sa panayam kay Claudine sa Jobert and Chap Show sa YouTube, sinabi niyang nadadamay siya sa sigalot matapos ang naging pahayag ni Cristy Fermin ukol sa diumano’y pananakit ni Dennis kay Marjorie.
Ayon kay Claudine, inakusahan siya ng kampo ng kapatid bilang umano'y source ng impormasyon ni Cristy, kung saan sinabi na sinugatan daw ni Marjorie si Dennis at ito ang nag-udyok sa aktor na aksidenteng masaktan ang kanyang dating asawa.
Ngunit mariin ang pagtanggi ni Claudine sa paratang. Pinaninindigan din ni Cristy Fermin na hindi si Claudine ang kanyang source.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod dito, isiniwalat ni Claudine na tila pumanig sa kampo ni Marjorie ang kanilang kapatid na si Mito Barretto, at siya ngayon ay nakakatanggap ng umano’y mga pagbabanta mula rito.
Dahil dito, napilitan si Claudine na lumapit sa awtoridad para sa kanyang seguridad. Ayon kay Jobert Sucaldito na siyang kasama niya sa panayam, nabasa niya mismo ang mga mensahe at kinumpirma niyang ito ay "alarming."
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Marjorie Barretto ukol sa bagong akusasyong ito. Samantala, ang ibang kapatid umano ng Barretto sisters ay nananatiling kampi kay Claudine sa gitna ng panibagong kontrobersya.
Si Claudine Barretto ay kilala bilang ang “Optimum Star” ng showbiz, at naging prominenteng aktres noong dekada ’90 hanggang early 2000s. Bukod sa kanyang mga pelikula at teleserye, madalas din siyang nasasangkot sa mga isyu sa pamilya Barretto na naging bahagi na rin ng showbiz history ng Pilipinas. Ang bangayan ng mga Barretto sisters—Gretchen, Marjorie at Claudine—ay palaging laman ng balita, lalo na kapag may panibagong sigalot.
Ang kasalukuyang isyu ay nagsimula matapos ang wedding ni Claudia Barretto kung saan muling uminit ang tensyon sa pagitan ni Dennis Padilla at kanyang mga anak, na sinundan ng rebelasyon ni Marjorie ukol sa diumano’y pananakit. Mula rito, nadamay si Claudine sa pamamagitan ng akusasyon na siya ang nagpakalat ng sensitibong impormasyon—na mariin niyang itinatanggi.
Sa isang masayang reunion, nakitang muling nagkita sina Gene Padilla at Claudine Barretto kasama ang mga anak nito. Makikita sa larawan ang kasiyahan ng kanilang simpleng salu-salo, na tila ba pansamantalang nakalimutan ni Claudine ang mga kinahaharap niyang isyu.
Sa isang nakakatuwang post, ibinahagi ni Claudine Barretto ang naging video call nila ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Kitty. Maraming netizens ang natuwa sa kanilang ugnayan at marami rin ang nagsabing bagay si Claudine sa pagiging “Tita of Manila.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh