Kim Chiu, may meaningful na Father's Day post para sa ama: "You weren't perfect, but you were real"
- Pinahanga naman ni Kim Chiu ang publiko dahil sa kanyang taos-pusong mensahe
- Kamakailan lang ay binati ni Kim ang kanyang ama ngayong Father's Day celebration
- Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram ang isang reel na talaga namang nag-viral online
- Subalit ang talagang pumukaw sa atensyon ng marami ay ang caption ni Kim sa Instagram
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muli namang pinahanga ni Kim Chiu ang publiko — hindi sa entablado o sa telebisyon — kundi dahil sa pamamagitan ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang ama sa Instagram.

Source: Instagram
Sa pagdiriwang ng Father's Day ngayong taon ay nagbahagi ang aktres at TV host ng isang reel na naglalaman ng mga larawan at video na kuha niya kasama ang kanyang ama, na agad namang umantig sa damdamin ng kanyang mga fans at followers sa nasabing photo-sharing app.
Ang tunay na nakapukaw ng damdamin ng marami ay ang mensaheng kalakip ng kanyang reel.
Aniya Kim sa kanyang post, "You weren't perfect, but you were real, and in every real moment, we learned how much you cared. The days go fast, but love keeps us grounded. Cheers to family, and to you, Papa. Happy Father's Day! Love you! Thank you for always being there for all of us!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa simple ngunit makabuluhang mga salita, ipinakita ni Kim ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang ama na talaga namang umantig sa puso ng maraming netizens.
Matapos nito ay marami ang natuwa sa mensahe ni Kim, at hindi rin nagpahuli sa pagbati sa kanyang ama. Pinuri ng marami ang pagiging bukas ng aktres sa kanyang damdamin at ang pagpapahalaga niya sa pamilya, bagay na lalong minahal ng publiko sa kanyang personalidad.
Sa simpleng pagbabahagi na ito, minsan pa, naipakita ni Kim ang lalim ng kanyang pagmamahal para sa pamilya.
Panooring ang video sa baba:
Si Kim Chiu ay isang Filipina actress, television host, at singer na sumikat matapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa lokal na showbiz bilang "Chinita Princess." Matapos ang kanyang tagumpay sa PBB, naging isa siya sa mga pangunahing artista ng ABS-CBN, at gumanap sa mga sikat na teleserye tulad ng Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siya sa mga hosts sa It's Showtime.
Sa ulat ng KAMI noon ay ay pinasaya naman ni Kim Chiu ang maraming tagahanga at tagasubaybay niya. Nag-post kasi si Kim ng ilang taos-pusong pagbati sa kaarawan ni Paulo Avelino sa social media. Sa kanyang post, ibinahagi ni Kim ang kanilang malapit na pagkakaibigan, na ikinatuwa ng maraming netizen. Bukod pa rito, nagsulat rin si Kim ng isang nakakatuwa ngunit sweet na paglalarawan kay Paulo sa kanyang post sa Instagram.
Samantalang, noong May naman ay nag-post si Kim Chiu ng mensahe para sa mga botanteng Pilipino, kung saan binigyang-diin niya ang kapangyarihan ng bawat boto sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. Umani ng malawak na pansin ang kanyang post sa social media, kung saan nagpahayag ng suporta ang ilang kapwa artista niya at pati na rin ilang mga tagahanga, at inulit ang kanyang panawagan para sa mga pinunong may integridad at malasakit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh