Priscilla Meirelles, bukas na makatrabaho si John Estrada
- Si Priscilla Meirelles ayopisyal nang bahagi ng Viva Artists Agency matapos pumirma ng kontrata
- Ayon sa kanya, handa na siya sa pagbabalik-showbiz emotionally, physically, at sa language
- Inamin niyang hindi niya kinunsulta si John Estrada tungkol sa pagpasok muli sa showbiz
- Bukas siyang makatrabaho ang estranged husband basta walang love scene
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling bumalik sa spotlight ang beauty queen at dating aktres na si Priscilla Meirelles matapos ang kanyang pirmahan ng kontrata sa Viva Artists Agency noong June 13, Biyernes.

Source: Instagram
Ayon kay Priscilla, ito ang tamang panahon para sa kanyang pagbabalik sa showbiz, at inamin niyang mas handa na siya ngayon kumpara noon. Sa kanyang pahayag, ramdam ang confidence at excitement niya sa bagong yugto ng kanyang karera.
“I am not only prepared emotionally, but physically, emotionally, and in terms of language— magaling na ako. Confident ako,” pahayag niya sa media.
Hindi umano niya kinunsulta ang kanyang estranged husband na si John Estrada sa desisyong ito, ngunit ipinaalam niya ito para sa anak nilang si Anechka. “I did not consult but I did inform. Not because it is a career move, but because I brought my daughter with me... I did not consult or ask for permission,” saad ni Priscilla. Kwento pa niya, nais ni Boss Vic del Rosario na makilala si Anechka kaya isinama niya ito sa kontratahan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng kanilang hiwalayan, nananatiling civil ang relasyon nila ni John Estrada at maayos silang nagco-co-parenting para sa kapakanan ng kanilang anak. “There is no bad blood between us. When it comes to what he is doing with his life and what I am doing with my life, there are boundaries placed. I respect that because I am the one who placed it,” paliwanag niya.
Masaya ring inamin ni Priscilla na bukas siyang makatrabaho ang dating asawa, basta’t walang romantic scenes. “Why not gusto ko yung sampalin ko siya. ‘how dare you?’ ganon,” pabirong sabi niya.
Si Priscilla Meirelles ay isang Brazilian beauty queen na kinoronahang Miss Earth 2004. Sa Pilipinas, mas nakilala siya sa kanyang showbiz career at bilang asawa ng aktor na si John Estrada, na kalauna’y nauwi sa hiwalayan. Bukod sa pagiging hands-on mom sa anak nilang si Anechka, aktibo rin si Priscilla sa social media kung saan nagbabahagi siya ng kanyang lifestyle, beauty tips, at personal na reflections.
Sa panayam kamakailan, inamin ni Priscilla na matagal na nilang pinaplantsa ni John Estrada ang kanilang paghihiwalay. Ayon sa kanya, matagal na silang may mga isyung kinaharap at dumarating talaga sa punto na kailangang piliin ang kapakanan ng anak. Naniniwala siya na mas makakabuti para sa lahat na magkaroon sila ng hiwalay na buhay ngunit may respeto pa rin sa isa’t isa.
Sa parehong event kung saan pumirma siya ng kontrata sa Viva, sinabi ni Priscilla na hindi pa huli ang lahat para bumalik sa showbiz. Aniya, marami siyang natutunan at naranasan sa mga nakalipas na taon na ngayon ay mas handa na siyang i-channel sa pag-arte. Ibinida rin niya na bahagi ng kanyang preparasyon ang paglinang ng kanyang kaalaman sa wikang Filipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh