Judy Ann Santos, proud na ibinida ang cover ni Yohan ng 'This Is Me' online
- Masayang ipinamalas ni Judy Ann Santos ang pagmamalaki niya kay Yohan Agoncillo
- Sa Instagram ay ni-repost kasi ni Juday ang bagong account at channel ng kanyang anak
- Base sa post, pinangalanan nilang 'Yohan Jams' ang nasabing page at channel ni Yohan
- Marami naman ang talagang bumilib at pumuri sa talento at galing ni Yohan sa pagkanta
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinamalas ni Judy Ann Santos ang kanyang labis na pagmamalaki bilang isang ina matapos i-promote ang bagong YouTube channel ng kanyang panganay na anak na si Yohan Agoncillo.
Sa kanyang Instagram account, buong saya niyang ibinahagi ang unang video ni Yohan — isang cover ng kantang This Is Me na unang narinig sa 2017 hit movie na The Greatest Showman.

Source: Instagram
"And just like that… Yohan's YouTube journey begins. Starting off with This Is Me from The Greatest Showman — a song that means a lot to her and felt like the perfect way to kick things off. Thank you in advance for listening. Hope it reaches you in the best way!" ito ang makabagbag-damdaming caption sa unang Instagram post ni Yohan para sa kanyang YouTube channel.
Hindi rin napigilan ni Judy Ann ang kanyang emosyon at agad niyang ni-repost ang video ni Yohan sa kanyang Instagram story. Kalakip nito ang kanyang mensahe ng pagmamalaki at suporta: "Baby girl doing what she loves most... proud of you, my love... @yohanjams. This is Yo!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad naman na umani ng papuri mula sa netizens ang performance ni Yohan. Marami rin ang talagang humanga sa kanyang boses at galing sa pagkanta, at hindi rin nagpahuli ang mga komento ng suporta at paghanga sa kanyang tapang na ibahagi ang kanyang talento sa publiko.
"OMG! Ate Yo! Fighting sa new journey!"
"Ang lamig ng boses ni Ate Yohan, super nice."
"Super galing and talented! I love your voice, Ate Yo."
"Request please, sana Rewrite The Stars ang next, hehe."
"Her very own Insta and channel and may cover pa nga! Rooting for you, Ate Yo!"
Watch the video below:
Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay lubos na naantig si Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban. Sa Instagram, ibinahagi ni Judy Ann ang isang sulyap sa kanyang flower bouquet mula sa brand na Petalier. Ang mga bulaklak ay galing kay Angelica Panganiban, isa sa kanyang matalik na kaibigan. Kasama ng flower bouquet ay isang matamis at taos-pusong liham din mula kay Angelica.
Samantalang, noong April naman ay nag-post si Judy Ann Santos ng isang malalim at emosyonal na mensahe na umantig sa ilang netizen. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Judy Ann ang mga throwback na larawan kasama ang 'Superstar' na si Nora Aunor. Pagkatapos ay sumulat siya ng isang nakakaantig na mensahe tungkol sa pagpanaw ng beteranang aktres ngayong taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh