Jessy Mendiola nang malamang tatakbo si Luis Manzano noon: "Ayoko talaga siyang tumakbo"

Jessy Mendiola nang malamang tatakbo si Luis Manzano noon: "Ayoko talaga siyang tumakbo"

  • Nag-viral naman sina Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil sa bagong vlog ng huli
  • Kamakailan lang ay pinag-usapan ng dalawa ang kanilang journey sa pangangampanya
  • Sa nasabing vlog ay naitanong din si Jessy ukol sa reaksyon niya sa desisyon ni Luis noon
  • Pag-amin ng aktres, hindi raw niya talagang gustong tumakbo si Luis sa pulitika noon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Jessy Mendiola, isang Filipina aktres, ay nag-guest sa YouTube channel ng kanyang asawa kung saan tinalakay nila ang desisyon nito na sumali sa local political scene ngayong taon.

Noong Friday, June 13, lantaran na tinalakay ni Luis Manzano ang kanyang naging paglalakbay nang sumama siya sa kanyang ina sa Batangas, kung saan tumakbo siya bilang Vice Governor.

Jessy Mendiola nang malamang tatakbo si Luis Manzano noon: "Ayoko talaga siyang tumakbo"
Photos: Luis Manzano on YouTube | @jessymendiola on Instagram
Source: Youtube

Gayunpaman, sa isang punto sa viral video nila sa YouTube, ilang tanong din ang idinirekta sa aktres, kabilang na ang, "Anong initial reaction ni Jessy nung nalamang tatakbo si Luis?"

Ayon kay Jessy, sa simula ay hindi siya pabor sa pagpasok ni Luis sa pulitika, kahit nung mag-boyfriend at girlfriend pa lamang sila noon, "Nung una talaga, ayoko talaga siyang tumakbo. Kahit nung boyfriend-girlfriend pa lang kami, kasi I knew naman na papunta siya dun eh. Kasi syempre yung mom niya, stepfather, and of course, your father also. Alam ko na papunta na dun."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay pa nga ng mas malalamin na context si Jessy kung bakit ayaw niyang mag-pulitika si Luis noon, "But then, before, siguro dahil bata pa ako, palagi kong sinasabi sa kanya na, 'Nako, politika. Mahirap yan.' I chose not to care because, yun nga yung tingin ko nung time na yun."

Gayunpaman, inamin ng aktres na nalinawan siya matapos makita ang mga magulang ni Luis, "Ngayon, now that dinala kami nila Momski and nila Tito Ralph, nila Tito Edu, sa mundo nila, yung political world nila, and of course, ikaw. Nakita ko how important it is pala talaga, not only politics, but more of public service. Maraming tao talaga kasi ang nangangailangan."

Panooring ang kanilang video:

Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.

Ngayong buwan ay ibinahagi naman ni Jessy Mendiola na nagkasakit ang anak niya na si Rosie habang sila ay nagbabakasyon sa Hong Kong at kinailangan nilang manatili sa hotel halos buong oras. Gumaling si Rosie sa huling araw, na nagbigay-daanpara makapasyal sandali bago umuwi. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Jessy sa staff ng Disneyland dahil sa kanilang pag-aalaga.

Samantalang, noong May 2025, ay nagtungo si Jessy Mendiola sa social media upang magsalita tungkol sa NAIA crash incident. Matatandaang isang malagim na insidente ang nangyari sa NAIA Terminal 1 kung saan isang 4-na-taong-gulang na babae ang namatay. Kasunod ng balitang ito, sumulat si Jessy ng isang mensahe na nananawagan para sa agarang pagbabago sa airport.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco