Ruffa Gutierrez, ibinunyag ang closeness kay Yilmaz Bektas
- Inamin ni Ruffa Gutierrez na muling naging magkaibigan sila ni Yilmaz Bektas
- Madalas silang magkausap sa telepono at nagkukuwentuhan tungkol sa nakaraan
- Nilinaw niya na walang bagong asawa si Yilmaz at nananatili itong single
- Binibigyang-halaga ni Ruffa ang pagkakaibigan nila ngayon para sa kapakanan ng kanilang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na muling naging maayos ang relasyon nila ng kanyang dating asawang si Yilmaz Bektas. Ayon kay Ruffa, muli silang nagkakausap sa telepono at tila nagbabalik ang kanilang pagiging magkaibigan.

Source: Instagram
“Ang tagal na naming hindi nagkita. On the phone, naging magkaibigan na kami, nagtetelebabad kami,” kwento niya. Inalala rin niya ang mga masasayang alaala ng kanilang unang pagkikita, pati na ang kwelang pagtatalo kung sino ba talaga ang unang “naghabol” sa isa’t isa.
Matagal bago naayos ang relasyon ng dating mag-asawa. “It took a while to get there,” aminado si Ruffa. Sa kabila ng mga taong hindi sila nag-usap at mga away sa telepono, ngayon ay mas pinipili na raw niyang maging mahinahon kapag napag-uusapan si Yilmaz. Mahalaga raw ito para sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.
Bilang ina, tuwang-tuwa si Ruffa na may magandang komunikasyon na rin ngayon sina Lorin at Venice sa kanilang ama. “Maganda. Kasi they're able to talk to him already nang direkta,” aniya. Sa kasalukuyan, nasa Turkey ang magkapatid at masayang nagbabakasyon kasama si Yilmaz.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw din ni Ruffa ang ilang tsismis tungkol kay Yilmaz. “Hindi totoong nagkaroon siya ng bagong asawa,” aniya. Ayon pa sa aktres, nagkaroon man ito ng fiancé ay hindi rin nagkatuluyan at wala itong ibang anak maliban kina Lorin at Venice.
Hindi rin isinasara ni Ruffa ang posibilidad na muling magkita sila ni Yilmaz nang personal. “It may not have to be romantic, but I think it would be nice to have a nice dinner with him,” saad niya. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya nakikitang mauuwi pa sa muling kasalan ang kanilang pagiging magkaibigan. “Probably not,” sagot niya sa tanong ni Tito Boy tungkol dito.
“Because I believe that our friendship now is made to last with the girls,” paliwanag niya. Para kay Ruffa, mas mahalaga ang magandang ugnayan nila para sa kapakanan ng kanilang mga anak kaysa sa pagbabalik-pag-ibig.
Si Ruffa Gutierrez ay isa sa mga kilalang aktres, TV host, at dating beauty queen sa Pilipinas. Anak siya ng talent manager na si Annabelle Rama at aktor na si Eddie Gutierrez. Ikinasal siya sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003 at nagkaroon sila ng dalawang anak. Ang kanilang kasal ay na-annul noong 2007 matapos ang ilang taong pagkakalayo at matitinding isyu sa pagitan nila.
Si Yilmaz Bektas naman ay isang kilalang negosyante sa Turkey. Matagal siyang nawalay sa kanyang mga anak matapos ang hiwalayan nila ni Ruffa, ngunit nitong mga nagdaang taon ay unti-unti nang naaayos ang kanilang relasyon bilang magulang.
Sa isang emosyonal na post, inamin ni Ruffa ang labis na pag-aalala para sa kalagayan ng kanyang inang si Annabelle Rama matapos itong dalhin sa ospital. Bagama’t hindi ibinahagi ang detalye ng karamdaman, nagpasalamat si Ruffa sa mga doktor at sa Diyos sa pagbuti ng lagay ng kanyang ina. Ibinahagi rin niya kung gaano kahalaga ang pamilya sa kanya sa gitna ng mga pagsubok.
Nagdiwang ng espesyal na sandali sina Lorin at Venice nang makasama muli ang kanilang ama sa isang masayang bakasyon sa Turkey. Matapos ang ilang taong pagkakahiwalay, mas naging malapit na muli ang relasyon ng magkakapanig. Ibinahagi rin ni Ruffa ang kanyang suporta sa ugnayang iyon, at ang kasiyahan niyang makita ang mga anak na masaya sa piling ng kanilang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh