Karylle at Dingdong, nagkasama sa It's Showtime stage pagkatapos ng ilang taon

Karylle at Dingdong, nagkasama sa It's Showtime stage pagkatapos ng ilang taon

- Nag-guest si Dingdong Dantes sa It's Showtime ngayong araw kasama si Charo Santos bilang bahagi ng promo ng kanilang proyekto

- Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa parehong episode sina Dingdong at Karylle, na dating magkarelasyon

- Walang tensyon na namayani sa studio at kapwa propesyonal ang naging asal ng dalawa sa kanilang paghaharap

- Naungkat din ang kwento tungkol sa pagkikita ni Karylle at Marian Rivera kamakailan, na ikinuwento ni Vice Ganda sa live episode

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglabas ng aktor na si Dingdong Dantes sa noontime show na It's Showtime, ngayong araw, kasama ang batikang aktres at TV host na si Charo Santos.

Karylle at Dingdong, nagkasama sa It's Showtime stage pagkatapos ng ilang taon
Karylle at Dingdong, nagkasama sa It's Showtime stage pagkatapos ng ilang taon (📷It's Showtime/YouTube)
Source: Youtube

Dumalo sila para sa promosyon ng kanilang bagong proyekto, ngunit ang naging highlight para sa maraming netizens ay ang pagkakaton na nagkasama sila ni Karylle sa iisang entablado—isang bihirang tagpo mula nang maghiwalay ang dalawa noong 2008.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ito ang unang pag-guest ni Dingdong sa It's Showtime, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na naroon din si Karylle, isa sa mga mainstays ng show. Bagama’t dati silang nagkaroon ng relasyon na tumagal ng tatlong taon, walang naging indikasyon ng ilangan o tensyon sa pagitan nila sa studio. Kapwa sila nagpakita ng propesyonalismo, bagay na pinuri ng mga tagahanga.

Sa isa pang episode ng It's Showtime, ibinahagi ni Vice Ganda ang naging pagkikita ni Karylle at Marian Rivera, ang asawa ni Dingdong, kamakailan. Ayon kay Vice, nagkita ang dalawa sa isang show at bineso raw ni Karylle si Marian. Ani Vice, “Gandang-ganda daw siya kay Marian,” sabay banggit na naging tahimik na raw ang puso ni Karylle sa naging pag-uusap nila.

Nang tanungin ni Vice tungkol sa pagkikita nila ni Dingdong, simple lamang ang naging sagot ni Karylle—“Nag-hi lang.” Hindi na ito dinugtungan ng iba pang detalye, dahilan upang higit pang hangaan ng mga manonood ang kanyang pagiging classy at mahinahon sa naturang sitwasyon.

Si Karylle ay isang kilalang singer, TV host, at aktres na isa sa mga orihinal na hosts ng It's Showtime. Matapos ang kanyang relasyon kay Dingdong, ikinasal siya sa Sponge Cola frontman na si Yael Yuzon noong 2014. Samantala, si Dingdong Dantes ay isa sa mga A-list actors ng GMA Network at kilalang leading man sa mga sikat na teleserye. Ikinasal siya kay Marian Rivera noong 2014, at mayroon silang dalawang anak—sina Zia at Sixto.

Si Dingdong at Karylle ay naging magkasintahan mula 2005 hanggang 2008. Naghiwalay sila sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa nasimulang tambalan nina Dingdong at Marian sa teleseryeng Marimar. Pareho nilang itinanggi na ito ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa isang Instagram post, pinuri ni Dingdong si Marian Rivera bilang isang "consistent and selfless" na ina at asawa. Marami ang naantig sa kanyang mga salita, lalo na’t makikita ang genuine appreciation sa kaniyang asawa. Umani ito ng libo-libong likes at supportive comments mula sa netizens.

Ibinahagi ni Dingdong ang throwback photo nila ni Marian mula sa isang bakasyon ilang taon na ang nakaraan. Ayon sa mga fans, makikita raw sa mga larawan ang tunay nilang pagmamahalan. Nag-trending ang post dahil sa nostalgia at kilig vibes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate