Wedding message nina Lucas at Bia para kina Mommy Zeinab at Daddy Ray, umantig sa puso ng marami
- Umantig sa puso ng netizens ang mensahe nina Lucas at Zebbiana Harake para sa kanilang Daddy Ray at Mommy Zeinab
- Labis ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang Mommy Zeinab gayundin sa kanilang Daddy Ray
- Pinasalamatan din ni Lucas ang kanyang Daddy Ray sa pagmamahal na ibinigay nito sa kanyang mommy Zeinab
- Hunyo 1 nang ikasal sa isang Christian wedding ceremony sina Zeinab at Ray sa Tagaytay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Marami ang natunaw ang puso nang marinig ang wedding message ni Zeinab Harake at Ray Parks Jr.

Source: Facebook
Sa vlog ni Zeinab kung saan pinakita niya ang mga kaganapan ng kanilang kasalan, mapapanood at mapakikinggan din ang mensahe nina Lucas at Bia sa kanilang Mommy at Daddy.
"Hi mommy Zeinab and daddy Ray. Today is such a special day. It’s the day that you promised to love each other forever and we are so happy to be part of it…"
"Mommy, you have always been my home. You’re the one who’s held my hand, wiped my tears and cheered the loudest for me in everything I do. You’re not just my mom, you’re my safe place, my hero, my heart."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Mommy, you’re my best friend. You hug when I’m sad, you laugh with me when I’m silly and love me every day. I love you to the moon and back."
"Daddy Ray, thank you for loving my mommy Zeinab the way she deserves. And thank you for loving us too, fully and kindlyand with your whole heart. You make our family feel even strong, even happier, even more full of love. We’re so happy to have both of you."
"I love you daddy Ray. You make me smile so big and fell so safe. I’m so happy you’re here. We will always be cheering for you just like you cheer for us. We love you Mommy and Daddy, forever and always!"
Narito ang kabuuan ang nasabing video:
Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 14.7 million subscribers sa kanyang channel. Matatandaang ex niya ang rapper na si Skusta Clee na siyang ama ng anak nilang si Bia. Bago pa man si Bia, hayagan nang nababanggit ni Zeinab ang pagdating sa buhay niya ng una niyang anak na si Lucas.
Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song' sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon.
At nito lamang Hunyo 1, opisyal nang Mr. and Mrs. Parks ang basketbolistang si Ray Parks Jr. at sikat na content creator na si Zeinab Harake na nag-isang dibdib sa isang Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay. Ayon sa ulat ng PEP.ph, limitado lamang ang bisita nina Zeinab at Ray na tila nakumpirma nga ni Zeinab sa kanyang 'Groomsmen at Bridesmaids gifts' vlog kung saan nasabi niyang strikto sila pagdating sa pagpili ng mga bisitang dadalo sa kanilang kasal. Gayunpaman, siniguro nilang ang lahat ng mga malalapit na tao sa kanilang buhay ang siyang makasasaksi ng napakahalagang araw na ito para sa kanila ng kanyang Daddy Ray.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh