Mylene Dizon, walang balak ipamana ang mga ari-arian sa mga anak

Mylene Dizon, walang balak ipamana ang mga ari-arian sa mga anak

- Aminado si Mylene Dizon na isa siyang disciplinarian sa pagpapalaki ng mga anak na lalaki

- Hindi niya ipapamana ang kanyang ari-arian gaya ng beach house sa La Union upang matutong magsikap ang mga anak

- Edukasyon lang ang tanging kayang ibigay ni Mylene bilang pamana sa mga anak

- Nais niyang matutunan ng kanyang mga anak ang responsibilidad at pagiging maayos na lalaki sa pamamagitan ng sariling pagsisikap

Diretsahan at walang paliguy-ligoy na sinabi ni Mylene Dizon na hindi niya balak ipamana ang kanyang mga ari-arian sa kanyang dalawang anak na sina Tomas at Lucas.

Mylene Dizon, walang balak ipamana ang mga ari-arian sa mga anak
Mylene Dizon, walang balak ipamana ang mga ari-arian sa mga anak (đź“·Screenshot from Bernadette Sembrano/YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel, ikinuwento ni Mylene kung paano niya pinalalaki ang kanyang mga anak bilang isang single mom at disciplinarian. Ayon sa aktres, mahalaga sa kanya na maging matino, responsable, at marunong sa buhay ang kanyang mga anak, kaya't pinili niyang hindi sila palakihin sa karangyaan.

“Kailangan e because I'm a single mom and I have to do both jobs, and I'm a mother of boys,” ani Mylene. Dagdag pa niya, nais niyang turuan ang kanyang mga anak ng tamang disiplina at hindi gawing spoiled. “I want them to make it on their own,” mariin niyang pahayag patungkol sa kanyang desisyong hindi sila pamamanahan ng solid properties.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasama na rito ang kanyang beach house sa La Union na sarili niyang pinaghirapan, kung saan natuto siyang mag-welding, magkarpintero, at magpinta. Ayon sa kanya, “Ano matututunan nila diyan? They will just run it through the ground if they don't have proper education.” Para kay Mylene, mas mahalaga ang maipagkakaloob niyang edukasyon kaysa materyal na bagay. Aniya, “That's the only thing I can give.”

Idinagdag pa niya na hindi niya ibibigay ang “toolbox” ng kanyang mga kasanayan sa kanyang mga anak, kundi igagabay niya lamang sila upang matutunan nila ito sa sarili nilang paraan. “I'm just going to guide them and let them learn on their own so they can fill their own toolboxes,” sabi pa ng aktres.

Sa huli, ibinahagi rin ni Mylene ang kanyang kasiyahan at pagiging kontento sa buhay. “I don't want anything else. I'm able to provide. I'm able to give my children education my money can buy. Ano pa ang hihingin mo?” Kaya naman kahit pa ilang luxury brand items pa raw ang ihain sa kanya, mas pipiliin pa rin niya ang matibay na kinabukasan para sa kanyang mga anak.

Si Mylene Dizon ay isang batikang aktres na nakilala sa mga critically acclaimed na teleserye at pelikula sa bansa. Matapang at prangka, kilala siya sa pagiging totoo sa kanyang paniniwala at paninindigan, maging sa larangan ng pagiging isang ina. Sa kasalukuyan, bukod sa pag-arte, abala rin siya sa pamamahala ng kanyang beach house sa La Union. Siya rin ay kilala sa pagiging masinop at grounded sa kabila ng kanyang tagumpay sa showbiz.

Sa isang candid interview, ibinahagi ni Mylene na hindi siya umaasa na siya ay susuportahan ng kanyang mga anak sa kanyang pagtanda. Sa halip, tinuturuan niya ang mga ito na maging independent at magtrabaho para sa sarili nilang kinabukasan. Ayon kay Mylene, hindi niya gagawing “retirement fund” ang kanyang mga anak.

Nagpakita ng suporta si Mylene Dizon sa kanyang dating co-star na si Julia Barretto sa pamamagitan ng isang sweet at nakaaantig na komento sa Instagram. Sa post ni Julia tungkol sa kanyang kapatid, nagkomento si Mylene ng “He's no longer a baby boy,” na nagpapakitang malapit pa rin siya sa pamilya ni Julia kahit tapos na ang kanilang proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate