Alynna Velasquez, umaasang magkapatawaran at magkakaayos sila ng kapamilya ni Hajji
- Ibinunyag ni Alynna Velasquez ang naging alitan sa pamilya ni Hajji Alejandro habang ito ay nasa ospital
-Nilinaw niyang hindi siya naging kabit at kilala ng publiko bilang partner ni Hajji
-Tinanggap niyang masakit ang hindi pagpayag sa kaniya na dumalaw sa ICU at burol
-Nananalig siya sa Diyos at patuloy ang pagmamahal para kay Hajji kahit wala na ito
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilan ni Alynna Velasquez ang maging emosyonal nang ibunyag niya ang mga nangyaring sigalot sa pagitan niya at ng pamilya ni Hajji Alejandro habang nasa ospital ang dating OPM singer. Sa panayam ng entertainment host na si Morly Alinio, ikinuwento ni Alynna ang mga hirap na pinagdaanan niya bago at matapos pumanaw si Hajji.

Source: Youtube
Ayon kay Alynna, naging masalimuot ang kanilang huling mga araw dahil sa hindi pagtanggap sa kaniya ng ilang miyembro ng pamilya. "Talagang pinilit niya ako na mawala," aniya, patungkol sa isang kamag-anak ni Hajji na mariing tumutol sa presensya niya sa ICU at sa burol.
Bagama't aminadong nasaktan, pinili na lang ni Alynna na huwag nang dumalo sa mga sumunod na araw ng lamay upang maiwasan ang gulo. “Why would I do that when I know na ayaw nila sa akin?” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw din ni Alynna ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon. “Hindi ako naging mistress... it was common knowledge,” pagtutuwid niya. Ayon sa kaniya, matagal nang hiwalay si Hajji sa unang asawa nang sila ay nagsimulang magsama.
Sa kabila ng sakit, buo pa rin ang pananampalataya ni Alynna na ang pag-ibig nila ni Hajji ay may mas malalim na layunin. Patuloy rin niyang ipinaabot ang respeto sa pamilya at humiling ng kapayapaan sa gitna ng lahat.
Narito ang ilang komento ng netizens:
When I first saw Alanna sang more than 2 decades ago, I was impressed by her beauty, bata pa sya noon. Kaso hindi na ya lumalabas gaano. Nalaman ko girl friend na sya ni Hajjie. She stayed as gf ni Hajjie, she did not pursue her singing career. I glad she’s singing again
Sarap naman panoodin ito..she is very nice and besutiful inside and outside..please continue to shine you are very beautiful soul
That’s wonderful that she doesn’t have bitterness in her. I hope the next love she will have that she will be valued and she may also value herself to not be second but the queen as she is. God bless her
Si Hajji Alejandro ay isa sa mga pinakatanyag na mang-aawit ng OPM noong dekada '70 at '80. Ilan sa kaniyang mga sikat na kanta ay "Panakip Butas" at "Kay Ganda ng Ating Musika." Si Alynna Velasquez naman ay naging partner ni Hajji sa kanyang mga huling taon at naging sandigan nito sa laban kontra colon cancer.
Inilinaw ni Alynna sa isang post na hindi niya sinisisi ang pamilya ni Hajji sa nangyari at umaasa siya sa pag-unawa ng publiko. Nagbigay siya ng mensahe ng kapayapaan para sa mga nakapanood ng viral video niya sa Walk of Fame.
Nagbahagi si Alynna ng spiritual encounter matapos siyang dalawin ng isang purple-necked pigeon, na para sa kaniya ay simbolo ni Hajji. Aniya, purple ang paboritong kulay ni Hajji kaya’t napaiyak siya sa pangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh