Zeinab Harake, ikinasal na kay Ray Parks Jr. sa isang pribadong seremonya
- Kasal na ang celebrity couple na sina Ray Parks Jr. at Zeinab Harake, ayon sa PEP.ph
- Ginanap ang kanila umanong private ceremony sa Tagaytay
- Isa sa mga naging highlight ng seremonya ay ang paghahatid kay Zeinab ng kanyang ama kasama ang kanya ring anak na si Bia
- Taong 2024 nang ma-engage ang dalawa makalipas ang isang taong relasyong na labis na hinangaan ng marami
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Opisyal nang Mr. and Mrs. Parks ang basketbolistang si Ray Parks Jr. at sikat na content creator na si Zeinab Harake na nag-isang dibdib sa isang Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay noong Linggo, Hunyo 1.

Source: Instagram
Sa ulat ng PEP.ph limitado lamang sa mahigit 100 katao ang imbitado sa seremonya, kung saan tanging malalapit na kaibigan at kapamilya ng magkasintahan ang dumalo.
Nagkakilala sina Parks Jr. at Harake noong 2023. Noong Hulyo 2024 naman sila na-engage.
Kasama ni Parks Jr. sa kaniyang wedding entourage ang kaniyang kapatid na lalaki at babae.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon naman sa ulat ng Bandera, bandang 4:30 ng hapon nagsimula ang seremonya na mahigpit na ipinagbawal ang pagkuha ng larawan at video.
Isa sa maituturing umanong emosyonal na bahagi ng seremonya ay ang paghahatid ng ama ni Zeinab sa kanya kasama rin ang anak nitong si Bia
Si Lucas naman na panganay na anak ni Zeinab ang nagsilbing ring bearer.
Ilan sa mga kilalang personalidad na dumalo bilang principal sponsors ay sina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Kabilang din sa mga sikat na panauhin sina Andrea Brillantes, Alex Gonzaga, Awra Briguela, Loisa Andalio, at Yassi Pressman.
Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 14.7 million subscribers sa kanyang channel. Matatandaang ex niya ang rapper na si Skusta Clee na siyang ama ng anak nilang si Bia. Bago pa man si Bia, hayagan nang nababanggit ni Zeinab ang pagdating sa buhay niya ng una niyang anak na si Lucas.
Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song' sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon.
Mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. Lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray." Matatandaang minsan na ring nasabi ng ama ni Zeinab na "gift from God" umano si Ray sa kanyang anak. Ito ay dahil sa nakikita niya sa maagang bahagi pa lamang ng relasyon ng dalawa kung paano mahalin ni "daddy Ray" hindi lamang si Zeinab maging ang mga anak nito na mabilis na napalapit sa kanyang puso. Lalo na ni Bia na aakalaing tunay na anak ni Ray sa closeness nilang dalawa. Gayundin ang atensyong naibibigay ni Ray kay Lucas bilang isang lalake na mapapansing naiimpluwensiyahan niya sa maraming bagay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh