Mark Anthony, tinuturing na ‘blessing in disguise’ ang nabasag na salamin sa mata
- Tinanong ng direktor na si Zyro Peralta Radoc si Mark Anthony Fernandez tungkol sa eyeglasses nitong may isang lente lang
- Ibinunyag ni Mark na aksidente itong nabasag matapos masarhan ng trunk ng kotse ang kaliwang bahagi
- Wala rin naman daw talagang grado ang kaliwang mata ng aktor kaya “blessing in disguise” daw ito
- Nilinaw ito ng aktor sa isang TikTok video para hindi na raw magtaka ang mga tao sa kanyang suot
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kapansin-pansin kamakailan ang suot na salamin ng aktor na si Mark Anthony Fernandez sa ilang eksena sa seryeng "Lumuhod Ka sa Lupa" sa TV5, kaya naman hindi rin ito nakaligtas sa mapanuring mata ng direktor ng programa na si Direk Zyro Peralta Radoc. Sa isang TikTok video ng direktor, tinanong niya ang aktor kung bakit tila isang lente lang ang meron sa suot nitong eyeglasses—may salamin sa kanan, pero wala sa kaliwa.

Source: Facebook
Diretsahan namang sinagot ni Mark Anthony ang tanong. Ani niya, "Isa lang 'yong ano ko Direk, 'yong may grado, 'yong kabila walang grado."
Kwento pa niya, “Naaksidente siya. Blessing in disguise, nasaraduhan ako no’ng trunk, tapos itong [left side] hindi naman siya nasira, natanggal lang 'yong salamin, nabasag 'yong salamin pero hindi siya nasira."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa madaling salita, nabasag ang kaliwang lente ng salamin dahil sa isang aksidente sa trunk ng kotse. Ngunit dahil wala namang grado ang kanyang kaliwang mata, hindi na raw niya ipinalit ang basag na lente. Para kay Mark Anthony, naging “praktikal” at swak sa sitwasyon ang resulta ng aksidente—kaya naman hindi na siya nag-atubiling gamitin ang salamin kahit kalahati na lang ang may lente.
Ibinahagi rin niya ang impormasyon upang mapawi na ang pagkalito o pagka-weirdohan ng ilan sa kanyang suot. Maging sa social media, naging usapan ito ng ilang netizens na nagtaka kung bakit ganon ang kanyang eyewear.
Si Mark Anthony Fernandez ay isa sa mga kilalang aktor sa industriya ng showbiz mula pa noong dekada ’90. Anak ng yumaong action star na si Rudy Fernandez at aktres na si Alma Moreno, pinasok ni Mark ang showbiz sa murang edad at mabilis siyang nakilala sa mga drama at action roles. Sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersya sa kanyang karera at personal na buhay, patuloy siyang bumabangon at gumagawa ng pangalan sa industriya sa pamamagitan ng mga bagong proyekto.
Humarap si Mark Anthony sa isyu ng kumalat na pribadong video online. Mariin niyang nilinaw na hindi siya ang nasa video at iginiit na edited ito upang siraan ang kanyang pangalan. Ayon sa kanya, isa itong paninira na layong guluhin ang kanyang pagbabalik sa industriya. Nagpasalamat din siya sa mga fans na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanya.
Sa isang emosyonal na pahayag, ibinahagi ni Mark Anthony ang kanyang karanasan sa paninirahan sa musoleo ng yumaong ama na si Rudy Fernandez. Ayon sa aktor, ito raw ang naging sandalan niya noong panahon na dumaan siya sa matinding pagsubok. Pinakita rin niya ang loob ng musoleo at kung paanong pinanatili niya itong malinis at tahimik na lugar para sa kanyang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh