Anne Curtis, nabahala sa diumano'y pagkakalbo ng Sierra Madre: "I truly hope this isn't real!"

Anne Curtis, nabahala sa diumano'y pagkakalbo ng Sierra Madre: "I truly hope this isn't real!"

-Isang netizen ang nag-post ng umano'y deforestation image sa Sierra Madre na agad naging viral at kinomentuhan ni Anne Curtis

-Ayon sa netizen, may mining operation umano sa Dinapigue, Isabela na pinayagan ng lokal na pamahalaan sa loob ng 25 taon

-Nagpakita ng pag-aalala si Anne at nagtanong kung totoo ang isyu dahil sa papel ng Sierra Madre sa pagprotekta mula sa bagyo

-Kinumpirma ng mga opisyal na may permit ang operasyon ngunit tinutulan pa rin ito ng mga environmental advocates

Naglabas ng pagkabahala ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis-Heussaff matapos niyang makita ang isang viral post sa X (dating Twitter) tungkol sa umano’y deforestation o pagkakalbo ng kagubatan ng Sierra Madre, partikular sa Dinapigue, Isabela. Isa itong isyu na ikinagulat at kinabahala rin ng maraming netizens, lalo’t alam ng nakararami ang malaking papel ng Sierra Madre sa pagsalo ng bagyo at pagbawas ng pinsala nito sa Luzon.

Anne Curtis, nabahala sa diumano'y pagkakalbo ng Sierra Madre: "I truly hope this isn't real!"
Anne Curtis, nabahala sa diumano'y pagkakalbo ng Sierra Madre: "I truly hope this isn't real!" (📷@annecurtissmith/IG)
Source: Instagram

“Good morning! Is this real can anyone confirm this? This quite concerning. I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons strength before it hit the cities. I truly hope this isn't real!!!!” — ito ang komento ni Anne sa naturang post na nagpapakita ng aerial image ng umano'y clearing sa kagubatan.

Ang post ay naglalaman din ng matinding tanong mula sa netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“ANONG PINAG GAGAWA NIYO SA #SIERRAMADRE?!”

at “Talagang pinayagan sila ng Mayor ng Dinapigue, Isabela to do a 25 year contract Mining Operation? Para saan?”

Ayon sa ulat, nakita sa Google Maps ang aerial image ng clearing sa kagubatan ng Dinapigue, isang malayong bayan sa Isabela. Kinumpirma ng ilang opisyal na ito ay may kaugnayan sa operasyon ng Dinapigue Mining Corporation, na may 25-taong kontrata at permit mula sa national government. Ipinaliwanag ng mga kinatawan ng MGB (Mines and Geosciences Bureau) na ang operasyon ay legal, dokumentado, at aprubado.

Gayunpaman, giit ng ilang environmental advocates, ang legalidad ng operasyon ay hindi sapat na dahilan upang isantabi ang environmental impact, lalo na sa kagubatang matagal nang tinuturing na "natural shield" ng bansa tuwing may bagyo.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang DENR tungkol sa issue. Pero sa social media, patuloy ang panawagan ng mga netizen at celebrities tulad ni Anne Curtis para sa mas malalim na pagsusuri at aksyon.

Si Anne Curtis ay isa sa pinakasikat at pinakamatagal nang aktres sa showbiz. Bukod sa pag-arte at hosting, aktibo rin siya sa iba't ibang adbokasiya, kabilang ang kalikasan, edukasyon, at mga isyu sa kababaihan. Sa mga nagdaang taon, napanatili niya ang respeto at suporta ng publiko dahil sa kanyang mga makabuluhang pahayag sa social media at pagkilos sa mga isyu.

Sa isang candid na segment, ibinahagi ni Anne Curtis ang ilan sa mga senatorial candidates na kanyang nais suportahan. Ayon sa kanya, mahalagang piliin ang mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan at may integridad. Ang post ay umani ng papuri sa mga netizens na sang-ayon sa kanyang prinsipyo sa pagboto.

Nagpakita na naman ng sense of humor si Anne matapos makatanggap ng comment mula sa isang netizen na tila nagulat na siya’y marunong palang magluto. Imbes na patulan, game na sinagot ito ni Anne sa isang nakakatawang paraan. Pinuri siya ng mga fans sa pagiging grounded at witty kahit sikat na artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate