Ray Parks, humingi ng paumanhin sa viral post tungkol sa insidente ng cellphone ni Zeinab
- Nag-viral ang social media post ni Ray Parks ukol sa insidente ng cellphone ng kanyang fiancée na si Zeinab Harake sa isang airport lounge
-Sa kanyang unang post, nagpahayag siya ng pagkadismaya at pagnanais ng imbestigasyon
-Tinanggal niya ang nasabing post at inamin na hindi niya ito dapat inilabas sa social media at walang pagnanakaw na naganap
-Naglabas siya ng public apology at pinuri ang staff sa naging maayos na pagresolba ng sitwasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng public apology si basketball player Bobby Ray Parks Jr. matapos mag-viral ang kanyang Facebook post kaugnay ng isang insidente sa airport lounge na kinasangkutan ng kanyang fiancée na si Zeinab Harake. Nilinaw niyang walang pagnanakaw na naganap.

Source: Instagram
Sa kanyang unang post, ibinahagi ni Parks ang kanyang pagkabigla at pagkadismaya nang halos mawala umano ang cellphone ni Zeinab.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng nasabing post online, muling naglabas si Parks ng panibagong pahayag, kung saan inamin niya na hindi naging tama ang kanyang unang hakbang at walang pagnanakaw na naganap. “I didn’t expect this to be blown out of proportion,” ani Parks. “First off, I’ll take responsibility and apologize to everyone involved because posting things online got everyone involved. This should have been handled internally.”
Bilang bahagi ng kanyang public apology, pinasalamatan din niya ang mga staff sa lounge dahil sa kanilang naging aksyon. Ayon kay Parks, dapat ay mas pinili niyang iresolba ang isyu nang pribado. “I’m glad that the investigation continued and due diligence was done... As we move forward, may reconciliation happen and may we all continue to do better and be better. Peace and Love, God bless.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang buong insidente ay nag-ugat sa pagkakawala ng cellphone ni Zeinab sa loob ng isang lounge, na agad namang natagpuan matapos mabanggit ang CCTV at doon ay napatunayang walang pagnanakaw na naganap.
Ang pag-amin at paghingi ng paumanhin ni Parks ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens—may mga nagpahayag ng suporta at may ilan ding nagpayo ng mas mahinahong paghawak ng mga personal na isyu, lalo na kung ito ay nauugnay sa publiko.
Samantala, patuloy na inaabangan ng kanilang fans ang nalalapit na kasal ng magkasintahan. Sa mga nakaraang buwan, naging bukas sina Zeinab at Ray sa pagbahagi ng mga kaganapan sa kanilang relasyon—mula sa sweet na bonding moments hanggang sa wedding preparations.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh