Ivana Alawi, nagpa-bless muli ng buong bahay dahil sa umano'y sumamang multo
- Naikwento ni Ivana Alawi ang tungkol sa umano'y 'sumunod' sa kanya nang minsang mag-out of town
- Ito ay matapos na usisain siya ni Kyline Alcantara tungkol sa dream role niya
- Dahil umano sa nangyari, nagawa niyang magpa-bless muli ng buong bahay
- Sa ngayon, patuloy pa rin sa pag-vlog si Ivana na mayroong 19.1 million YouTube subscribers
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa pinakabago niyang vlog kung saan panauhin niya si Kyline Alcantara, naikwento ni Ivana ang katatakutang dinanas niya sa umano'y sumama sa kanya sa out of town trip nila.

Source: Youtube
Matapos na sagutin ni Ivana si Kyline na nagtanong kung ano ang kanyang dream role, naikwento nito ang kababalaghang nangyari sa kanya. Dahil dito, nagpabendisyon muli siya ng buong bahay nila.Matapos na sagutin ni Ivana si Kyline na nagtanong kung ano ang kanyang dream role, naikwento nito ang kababalaghang nangyari sa kanya. Dahil dito, nagpabendisyon muli siya ng buong bahay nila.
"Horror stories, hunted houses, hilig ko talaga sa ganu'n. Gusto kong maging mumu ha. Ayaw ko ng tinatakot ako," ani Ivana ukol sa kanyang nais na gampanang role.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Parang may time no'n na pag nag-a-out of town ako may sumusunod. Bumubukas 'yung ilaw ko sa bahay promise. Nagpa-bless ulit ako ng whole house," dagdag pa niya.
"'Nung nasa province kami biglang bumukas 'yung room, ta's walang tao."
Nasabi pa ni Kyline na maganda si Ivana na maaring naa-attract umano ang mga 'sumusunod' na ito sa kanya.
"3am, bumukas 'yung room ko, tulog ako. Ta's akala ko si Mona pina-prank ako. So ready ako magwala..."
Narito ang kabuuan ng naturang vlog:
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 19.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.
Kamakailan nga ay isa si Ivana sa mga house guest sa Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong taon. Dahil dito, kasama si Ivana sa makasaysayang edisyon na ito ng PBB kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa loob ng bahay ni Kuya.
Samantala sa kabila ng mga nagiging proyekto niya sa telebisyon kamakailan, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.
Matatandaang noong nakaraang Pasko, taong 2024, ilang mga street vendors ang napasaya ni Ivana dahil sa surpresang kanyang dala para sa mga ito. Sa tuwing may papayag na vendor na bigyan na lamang ang kanyang kasabwat, na nagpanggap umano na walang pambayad, lalapit si Ivana para hawakan ang paninda at bibilhin na niya ito lahat. Gayundin ang mga construction workers na labis niyang hinangaan matapos malaman kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga ito sa kanilang trabaho. Ang ilan ay nakatanggap ng malaki-laking halaga, ngunit siniguro ni Ivana na nakakakain ang lahat at nabigyan niya ng pamasko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh