Rendon Labador, umalma sa paggamit ng bata sa ‘di angkop na content ni Ser Geybin
-Binatikos ni Rendon Labador si Ser Geybin sa kontrobersyal na “Slide” video na may kasamang bata
-Giit niya, hindi sapat ang public apology at dapat may pananagutan ang content creators
-Hinimok niya ang mga ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang isyu
-Ser Geybin ay naglabas ng public apology at inaming naging padalos-dalos sa pag-upload
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling usap-usapan sa social media si Rendon Labador matapos nitong ilabas ang kanyang matinding saloobin kaugnay sa isang viral video ni Ser Geybin na ngayon ay burado na. Sa nasabing video na pinamagatang “Slide,” makikitang pinauupo at pinapadausdos ang isang batang paslit sa isang uri ng upuan—isang bagay na ikinabahala ng maraming netizens. Para kay Rendon, hindi ito simpleng biro kundi isang seryosong usapin na kailangang pagtuunan ng pansin.

Source: Facebook
“THINDI NAKAKATAWA AT HINDI BIRO!!! Ginagamit ninyo ang mga bata sa kagaguhan ninyo,” galit na pahayag ni Rendon sa kanyang post. Dagdag pa niya, hindi sapat na mag-public apology lang ang mga content creators kapag may sablay silang content—lalo na kung bata ang sangkot. Ayon pa sa kanya, “Dapat ito maimbestigahan at hindi dapat palampasin.”
Sa isang follow-up post, ipinunto ni Labador na responsibilidad ng mga creators na maging maingat sa mga ina-upload nila online. Aniya, kung walang kikibo at sisita, lalong lalala ang ganitong klase ng content. “Nakakabahala na at hindi dapat pabayaan lang,” babala pa niya. Tinawag pa niyang dapat nang magising ang mga kinauukulan: “Gising gising baka natutulog nanaman tayo sa pansitan.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinunto rin ni Rendon ang dating isyu ng motovlogger na si Yanna, kung saan mabilis na kumilos ang LTO. Pinuri niya ang naging aksyon ng ahensya at umaasang sana’y magsilbing babala ito sa ibang influencers na tila nakakalimot sa tamang pananagutan lalo na kapag may kinalaman sa kaligtasan ng publiko—lalo na ng mga bata.
Samantala, si Ser Geybin ay agad ding naglabas ng public apology sa kanyang Facebook page matapos siyang ulanin ng batikos. Inamin niyang impulsive siyang nag-upload ng video nang hindi pinag-isipan ang maaaring epekto nito. Buong pagpapakumbaba niyang tinanggap ang pagkakamali at nangakong magiging mas responsable sa susunod.
Si Rendon Labador ay kilala sa social media bilang isang self-proclaimed motivational speaker at “social media influencer na walang preno.” Madalas siyang magbigay ng opinyon sa mga mainit na isyu online, lalo na kung may kinalaman sa moralidad, disiplina, at social responsibility. Hindi ito ang unang beses na naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang matapang na paninindigan—kadalasan ay siya rin ang bumibida sa mainit na diskusyon sa online world.
Usap-usapan kamakailan sa social media ang isang fan na nagpatahi ng tattoo ng mukha ni Rendon sa kanyang katawan. Ibinahagi ni Rendon ang larawan sa kanyang Facebook at tinawag niya itong "level ng katapatan." Marami ang nagulat sa gesture ng fan, pero si Rendon ay natuwa at tinawag itong “solid supporter.”
Matapos magdesisyong umatras ni Rosmar Tan sa social media gulo nila ni Diwata, hindi napigilang magtanong si Rendon kung kailan susunod si Diwata. Ayon sa kanyang post, tila inaasahan din niyang matapos na ang “drama” online. Kilala si Rendon sa pagiging vocal at lantad ang komento sa mga ganitong social media bangayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh