Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge

Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge

-Inireklamo ni Ray Parks ang tangkang pagnanakaw sa cellphone ni Zeinab Harake sa Mabuhay Lounge, Terminal 1

-Ayon sa kanya, biglang lumitaw muli ang phone matapos mabanggit ang CCTV

-Hinimok niya ang airport management na magbigay ng update sa insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

-Nagsabi si Zeinab ng “Crazy 😬” bilang reaksyon sa nangyari

Hindi inaasahan ng magkasintahang sina Ray Parks at Zeinab Harake na magiging tensyonado ang kanilang oras sa airport matapos umanong muntik nang manakaw ang cellphone ni Zeinab habang sila ay nasa Mabuhay Lounge ng Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa Facebook post ng PBA star, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya sa nangyari.

Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge
Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge (📷@ray1parks/IG)
Source: Instagram

“Can’t believe my Wife’s Cellphone almost got stolen at the Mabuhay Lounge at Terminal 1🤦🏾‍♂️ mentioned CCTV and suddenly the phone popped up🙄 i hope they continue to investigate and that i hear an update about the culprit. Let’s do better,” ani ni Ray Parks.

Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge
Ray Parks, dismayado matapos muntik manakawan si Zeinab Harake sa airport lounge (📷Ray Parks/Facebook)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa post, nang mabanggit ng kanilang kampo ang CCTV footage, bigla na lamang lumitaw muli ang cellphone ni Zeinab—isang detalye na lalong nagdulot ng pangamba at pagdududa sa tunay na nangyari. Nagkomento naman si Zeinab sa post ng kanyang partner ng maikli ngunit makabuluhang reaksyon: “Crazy 😬”.

Narito ang ilang komento sa post ni Ray:

Only VIPs and card holders can access that place ba? Oh no....Cctv and follow up on this please.
Wag kayo pumayag na hindi ipakita ang CCTV. Grabe ah, wala na pinipili. Kakahiya na talaga.
Kahit inilabas na ang cellphone need pa rin malaman kung sino kumuha staff ba or ung mga tao lang na nasa terminal 1.

Si Ray Parks Jr. ay isang kilalang basketball player sa Pilipinas na kasalukuyang naglalaro sa Japan B.League, habang si Zeinab Harake naman ay isa sa mga pinaka-popular na content creator sa bansa, kilala sa kanyang vlogs, music content, at pagiging hands-on mom kay Bia, ang kanyang anak.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang pagiging open ni Ray sa pagiging ama-ama kay Bia, anak ni Zeinab sa naunang relasyon. Marami ang humanga sa kanilang relasyon na unti-unting inilalantad sa publiko, sa kabila ng pagiging pribado ng ilang bahagi ng kanilang personal na buhay.

Nag-post si Ray Parks ng heartfelt birthday message para kay Bia, na labis na ikinatuwa ng netizens. Tinawag niyang “beautiful princess” si Bia at ipinahayag ang pagmamahal niya rito sa pamamagitan ng mga larawang puno ng lambing at pagmamalasakit. Umani ito ng papuri mula sa fans, lalo na’t bihira para sa isang lalaki na ipakita sa publiko ang ganitong lalim ng pagmamahal para sa anak ng kanyang partner. Marami rin ang nagkomento na bagay na bagay siya bilang ama.

Hindi rin nagpahuli si Zeinab sa pag-appreciate sa ginawa ni Ray para kay Bia. Sa kanyang reaksyon sa post ng basketball player, makikitang touched siya sa effort at pagmamahal nito sa kanyang anak. Ipinakita nito ang kanilang malapit na koneksyon bilang mag-partner at pamilya, dahilan para mas lalo silang mahalin ng kanilang fans. Ito rin ay naging patunay kung paanong unti-unti ay pinapanday nila ang isang mas matatag na pamilya sa kabila ng mga pagsubok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate