John Arcilla, napansin ang sirang mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

John Arcilla, napansin ang sirang mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

-Ibinahagi ni John Arcilla ang larawan ng sira-sirang mesa sa isang classroom na ginawang waiting area sa halalan

-Tinuligsa niya ang kalagayan ng edukasyon sa bansa at hinimok ang publiko na bumoto nang matalino

-Maraming netizens ang sumuporta sa kanyang obserbasyon at ipinahayag ang pagkadismaya sa kakulangan sa pasilidad

-Nag-viral ang post ng aktor at umani ng libo-libong reactions, shares, at comments online

Habang naka-pila upang bumoto para sa 2025 midterm elections, hindi napigilang ipahayag ni John Arcilla ang pagkabahala niya sa estado ng mga pampublikong paaralan sa bansa. Sa pamamagitan ng social media post noong Mayo 12, ipinakita ng multi-awarded actor ang larawan ng sira-sirang mesa sa loob ng isang silid-aralan na ginawang pansamantalang waiting area sa isang presinto ng halalan.

John Arcilla, napansin ang sirang mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'
John Arcilla, napansin ang sirang mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?' (📷John Arcilla/Facebook)
Source: Facebook

Aniya, “So nandito ako sa loob ng isang classroom na ginawang WAITING ROOM sa MAHABANG PILA para bumoto at ganito ang lamesa ng mga estudiyante sa loob ng classroom.” Sabay tanong: “Asan ang budget sa edukasyon?”

Sa parehong post, hinimok ni Arcilla ang publiko na magnilay sa nakikitang epekto ng mahinang pamumuno sa bansa. “Tapos boboto tayo ng mga corrupt eh nakaharap mismo satin ang EBIDENSIYA NG MGA MALI NATING PAGPILI? Ano na mga kababayan? AYUSIN NAMAN NATIN ANG PAGBOTO KAHIT LAST MINUTE,” ani pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi tinukoy ni Arcilla ang eksaktong lokasyon ng presinto, ngunit mabilis na kumalat ang kanyang mensahe sa social media. Umabot na ito sa mahigit 2,400 shares, 5,600 reactions, at 215 comments ilang oras matapos i-post.

Maraming netizens ang sumang-ayon at nagsiwalat din ng kani-kanilang karanasan pagdating sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga paaralan. Isang netizen ang nagkomento, “Sir, [you’re] on point. Nakaka-disappoint talaga. Tapos 18.4M aged 10 to 64 functional illiterate. Ayaw nila ng matalinong botante.”

Ilan sa kanila ay nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa sistematikong kapabayaan. “Ang taas ng tax na binabayaran ng mga mamamayan e hindi man lang mabigyan ng dekalidad na facilities ang mga estudyante pero may CF pa? Anyare?” sambit ng isa pang netizen. May mga nagsabi ring hindi bago ang ganitong kalagayan, at matagal na raw itong isyu tuwing halalan.

“30 years ago, halos ganito rin ang classroom namin. Hanggang ngayon, ganito pa rin,” ani ng isang user. May isa namang nagsabi, “Pumupunta lang naman yang mga politiko na yan sa public school kapag election, kaya wala silang alam sa tunay na kalagayan.”

Ayon sa datos, nasa 68 milyong Pilipino ang inaasahang lumahok sa halalan ngayong taon, upang pumili ng mga bagong lider para sa mahigit 18,000 posisyon sa bansa. Ginamit ni Arcilla ang pagkakataon upang hikayatin ang mga botante na suriin hindi lamang ang mga pangako ng mga kandidato, kundi pati na rin ang konkretong epekto ng kanilang mga nakaraang desisyon.

Si John Arcilla ay isang batikang aktor sa Pilipinas na kilala hindi lamang sa kanyang husay sa pagganap kundi pati na rin sa kanyang matitinding opinyon sa mga isyung panlipunan. Tumanggap siya ng Volpi Cup for Best Actor sa Venice Film Festival para sa pelikulang On the Job: The Missing 8—ang kauna-unahang Pilipino at Southeast Asian na nakatanggap ng naturang karangalan. Kilala rin siya bilang si Heneral Antonio Luna sa critically acclaimed film na Heneral Luna.

Noong Abril 2025, naglabas ng saloobin si Arcilla hinggil sa insidente kung saan isang babae ang nalunod ng aso sa isang airport toilet. Mariin niyang kinondena ang aksyon at nanawagang dapat may pananagutan ang gumawa ng ganoong kalupitan sa hayop.

Noong Mayo 2025, nagpost ng tribute si Arcilla para sa yumaong aktor na si Ricky Davao. Ipinahayag niya ang kanyang paggalang at paghanga sa dedikasyon ni Davao sa sining at sa industriya ng pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate